Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 4 p. 16-p. 17 par. 2
  • Pumatay Dahil sa Galit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pumatay Dahil sa Galit
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Magkapatid na Nagkaroon ng Magkaibang Saloobin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Isang Mabuting Anak, at Isang Masama
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Paghahandog ng Kaayaayang Hain kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Cain
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 4 p. 16-p. 17 par. 2
Galít si Cain habang naghahandog si Abel kay Jehova

ARAL 4

Pumatay Dahil sa Galit

Pagkaalis nina Adan at Eva sa hardin ng Eden, nagkaroon sila ng maraming anak. Ang panganay nilang si Cain ay naging magsasaka, at ang ikalawang anak na si Abel ay naging tagapag-alaga ng hayop.

Isang araw, naghandog sina Cain at Abel kay Jehova. Alam mo ba ang ibig sabihin ng handog? Isa itong espesyal na regalo. Nagustuhan ni Jehova ang handog ni Abel, pero hindi ang handog ni Cain. Kaya galít na galít si Cain. Pinagsabihan ni Jehova si Cain kasi baka makagawa ito ng masama dahil sa galit. Pero hindi nakinig si Cain.

Sa halip, sinabi ni Cain kay Abel: ‘Pumunta tayo sa bukid.’ Pagdating nila sa bukid, pinatay ni Cain si Abel. Ano kaya ang gagawin ni Jehova? Pinarusahan ni Jehova si Cain. Pinalayas niya si Cain at hindi na pinayagang makabalik sa pamilya nito.

Nilapitan ni Cain si Abel habang nasa bukid sila

Ano ang aral? Baka magalit tayo kapag hindi nasunod ang gusto natin. Kapag nagsisimula na tayong magalit—o pinagsabihan tayo ng iba dahil napansin nilang nagagalit na tayo—dapat natin itong kontrolin agad para hindi tayo makagawa ng masama.

Dahil mahal ni Abel si Jehova at ginawa niya ang tama, hindi siya malilimutan ni Jehova. Bubuhaying muli ng Diyos si Abel kapag paraiso na ang lupa.

“Makipagkasundo ka muna sa [kapatid mo], at saka ka bumalik para ialay ang handog mo.”​—Mateo 5:24

Tanong: Sino ang unang dalawang anak nina Adan at Eva? Bakit pinatay ni Cain ang kaniyang kapatid?

Genesis 4:1-12; Hebreo 11:4; 1 Juan 3:11, 12

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share