Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 103 p. 238-p. 239 par. 2
  • “Dumating Nawa ang Kaharian Mo”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Dumating Nawa ang Kaharian Mo”
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Tao?
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Nagsimula ang Paghihirap
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa—Malapit Nang Matupad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 103 p. 238-p. 239 par. 2
Nag-e-enjoy ang mga adulto at mga bata sa buhay sa Paraiso

ARAL 103

“Dumating Nawa ang Kaharian Mo”

Nangako si Jehova: ‘Wala nang iiyak, masasaktan, magkakasakit, o mamamatay. Papahirin ko ang bawat luha sa kanilang mga mata. Lahat ng masasamang nangyari ay malilimutan na.’

Inilagay ni Jehova sina Adan at Eva sa hardin ng Eden para mamuhay nang payapa at masaya. Sasambahin nila ang kanilang Ama sa langit at magkakaroon sila ng maraming anak na titira sa lupa. Hindi nagbago ang layunin ni Jehova kahit na sumuway sa kaniya sina Adan at Eva. Sa aklat na ito, nakita natin na lahat ng pangako ng Diyos ay natutupad. Ang Kaharian niya ay magbibigay ng maraming magagandang pagpapala sa lupa, gaya ng ipinangako niya kay Abraham.

Magkakasama ang mga adulto, bata, at mga hayop sa Paraiso

Malapit nang mawala si Satanas, ang kaniyang mga demonyo, at lahat ng masasamang tao. Lahat ng matitirang buháy ay sasamba kay Jehova. Hindi na tayo magkakasakit o mamamatay. Sa halip, araw-araw tayong gigising nang malakas at masaya. Magiging Paraiso ang lupa. Ang lahat ay kakain ng masasarap na pagkain at magkakaroon ng sariling bahay. Magiging mabait ang mga tao, hindi malupit o marahas. Hindi na matatakot sa atin ang mga hayop, at hindi na rin tayo matatakot sa mga ito.

Napakasaya kapag binuhay-muli ni Jehova ang mga patay. Sasalubungin natin ang mga tao noong unang panahon, gaya nina Abel, Noe, Abraham, Sara, Moises, Ruth, Esther, at David. Tutulong sila sa atin para gawing Paraiso ang planetang Lupa. Napakaraming gawain na puwede nating ma-enjoy.

Gusto ni Jehova na nandoon ka. Napakarami mo pang malalaman tungkol sa kaniya. Sikapin natin araw-araw na maging mas malapít kay Jehova, ngayon at magpakailanman!

“O Jehova na Diyos namin, ikaw ang karapat-dapat sa kaluwalhatian at karangalan at kapangyarihan, dahil nilalang mo ang lahat ng bagay.”​—Apocalipsis 4:11

Tanong: Ano-anong pagbabago ang gagawin ng Kaharian ng Diyos sa lupa? Sino sa mga taong ikinuwento sa aklat na ito ang gusto mong makita sa Paraiso?

Apocalipsis 21:3, 4; Job 33:25; Kawikaan 2:21, 22; Isaias 11:2-10; 33:24; 65:21; Mateo 6:9, 10; Juan 5:28, 29; 17:3

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share