Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Sakuna”
  • Sakuna

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sakuna
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Kautusan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Lunsod ng Kanlungan—Maawaing Paglalaan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Pagpaslang
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Aksidente—“Bakit Ako Pa?”
    Gumising!—1985
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Sakuna”

SAKUNA

Ang mga di-inaasahang pangyayari na resulta ng kawalang-alam, kapabayaan, o di-maiiwasang mga kaganapan at nagdudulot ng kawalan o pinsala ay karaniwang tinatawag na sakuna. Maliwanag na ang salitang Hebreo na ʼa·sohnʹ ay literal na nangangahulugang “isang kagalingan” at ginagamit bilang pinagandang katawagan para sa “isang nakamamatay na sakuna.” (Ihambing ang Gen 42:4, tlb sa Rbi8.) Ang Hebreong miq·rehʹ, na hinalaw sa salitang-ugat na nangangahulugang “sumalubong; mangyari” (Gen 44:29; Deu 25:18), ay hindi lamang isinasaling “sakuna” (1Sa 6:9) kundi isinasalin ding “kahihinatnan” (Ec 2:14, 15; 3:19) at “sa di-sinasadya.”​—Ru 2:3.

Nangamba si Jacob na baka isang nakamamatay na sakuna ang mangyari sa kaniyang minamahal na anak na si Benjamin kung pahihintulutan niya itong pumaroon sa Ehipto kasama ng mga kapatid nito. (Gen 42:4, 38) Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ni Jehova upang matiyak kung ang salot ng mga almoranas na dinaranas nila ay talagang mula kay Jehova o “isang sakuna” lamang. (1Sa 6:9) Kinilala ni Solomon na kahit sino ay maaaring maging biktima ng di-inaasahang pangyayari.​—Ec 9:11.

Ipinakita ng Kautusang Mosaiko na may pagkakaiba ang sakuna na nagdulot ng kamatayan at ang sakuna na hindi nagdulot ng kamatayan. (Exo 21:22-25) Kinilala rin nito ang kaibahan ng sinasadya at ng di-sinasadyang pagpatay. Para sa sinasadyang pagpaslang, itinakda nito ang kaparusahang kamatayan, ngunit para naman sa mga nakapatay ng tao nang di-sinasadya, may mga kanlungang lunsod na itinayo. (Bil 35:11-25, 31; tingnan ang KANLUNGANG LUNSOD, MGA.) Kapit ang kautusang ito kapuwa sa katutubong Israelita at sa naninirahang dayuhan, at naglaan din ng mga tagubilin hinggil sa kinakailangang mga hain na pambayad-sala para sa di-sinasadyang mga kasalanan.​—Lev 4:1-35; 5:14-19; Bil 15:22-29.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share