Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Adrameto”
  • Adrameto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Adrameto
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Asia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Misia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Asos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Barkong Pangkalakal Noong Unang Siglo
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Adrameto”

ADRAMETO

Isang daungang lunsod sa Dagat Aegeano na masusumpungan sa Misia sa HK sulok ng Asia Minor, sa H ng Pergamo. Sa makabagong Turkey, taglay pa rin ng loobang bayan ng Edremit (sa S ng daungan) ang pangalan ng sinaunang lunsod.

Ang Adrameto ay bahagi ng probinsiya ng Asia sa ilalim ng pamamahala ng Roma at maliwanag na ito’y dating isang mahalagang sentro ng komersiyong pandagat, yamang ito ay nasa lansangang Romano na dumaraan sa Pergamo at Efeso sa dakong T at sa Asos, Troas, at Hellespont sa dakong K at H. Malamang na dumaan si Pablo sa Adrameto noong kaniyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero. Gayunman, ang tanging tuwirang pagtukoy ng Bibliya sa lugar na ito ay nasa Gawa 27:2. Sa Cesarea, si Pablo, bilang isang bilanggo na nasa pag-iingat ng Romanong opisyal na si Julio, ay lumulan sa isang barkong mula sa Adrameto na dadaong sa mga lugar sa baybayin ng Asia Minor. Ang grupo ni Pablo ay bumaba sa barko samantalang nasa Mira sa Licia at lumipat sa ibang barko na may lulang mga butil mula sa Alejandria na maglalayag patungong Italya.​—Gaw 27:3-6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share