Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Agabo”
  • Agabo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Agabo
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Claudio
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Ikatlong Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 18:23–21:17) mga 52-56 C.E.
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • “Mangyari Nawa ang Kalooban ni Jehova”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Ilang Mahahalagang Pangyayari
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Agabo”

AGABO

Isang propetang Kristiyano na bumaba sa Antioquia ng Sirya mula sa Jerusalem, kasama ng iba pang mga propeta, noong taóng mamalagi roon si Pablo.

Inihula ni Agabo sa pamamagitan ng espiritu “na isang malaking taggutom ang malapit nang dumating sa buong tinatahanang lupa.” (Gaw 11:27, 28) Gaya ng sinasabi ng ulat, ang hula ay natupad noong panahon ng paghahari ni Emperador Claudio (41-54 C.E.). Nabanggit ng Judiong istoryador na si Josephus ang “malaking taggutom” na ito.​—Jewish Antiquities, XX, 51 (ii, 5); XX, 101 (v, 2).

Sa pagtatapos ng huling paglalakbay ni Pablo bilang misyonero (mga 56 C.E.), sinalubong siya sa Cesarea ni Agabo, na humulang aarestuhin si Pablo sa Jerusalem. Isinalarawan niya ito sa pamamagitan ng paggapos sa kaniyang sariling mga kamay at paa gamit ang pamigkis ni Pablo.​—Gaw 21:8-11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share