AHIMELEC
1. Anak ni Ahitub at apo sa tuhod ni Eli; mataas na saserdote sa tabernakulong nasa Nob. Dahil sa pagtulong ni Ahimelec kay David nang hindi nalalaman na tumatakas ito mula kay Saul, siya (kasama ang 84 na iba pang mga saserdote ni Jehova, gayundin ang mga lalaki, mga babae, at mga bata sa Nob) ay pinatay ng Edomitang si Doeg. Si Abiatar ang kaisa-isang anak ni Ahimelec na nakatakas. (1Sa kab 21, 22) Sa kalaunan, nang kathain ni David ang Awit 52, inalaala niya ang kabuktutang ginawa ni Doeg. (Aw 52:Sup) Ipinaalaala rin ni Jesus ang karanasan ni David may kinalaman kay Ahimelec.—Mat 12:3, 4; Mar 2:25, 26; Luc 6:3, 4; tingnan ang AHIAS Blg. 3.
2. Anak ni Abiatar at apo ni Ahimelec, na pinatay ni Doeg.—1Cr 18:16; 24:3, 6, 31.
3. Isang Hiteo na niyaya ni David ngunit hindi sumama rito nang pumuslit ito sa loob ng kampo ni Saul noong isang gabi.—1Sa 26:6, 7.