Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Panghalina, Kagandahan”
  • Panghalina, Kagandahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Panghalina, Kagandahan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Engkanto
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kawikaan, Aklat ng mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Maghasik ng Katuwiran, Umani ng Maibiging-Kabaitan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Hidwaan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Panghalina, Kagandahan”

PANGHALINA, KAGANDAHAN

[sa Ingles, charm].

Ang salitang Hebreo na chen ay nangangahulugan ng lingap, panghalina, o pagiging elegante, sa anyo at paggawi, at karaniwan itong isinasalin bilang “lingap” (Gen 6:8), bagaman sa ilang kaso ay isinasalin ito bilang “panghalina,” “halina,” o “kagandahan.” Halimbawa, maaaring ang isang patutot ay “kaakit-akit sa kagandahan” (Na 3:4), ngunit gaya ng sinasabi sa Mga Kawikaan: “Ang halina ay maaaring magbulaan, at ang kariktan ay maaaring walang-kabuluhan; ngunit ang babaing may takot kay Jehova ang siyang nagkakamit ng papuri para sa kaniyang sarili.” Gayundin, “ang babaing kahali-halina ang siyang may tangan sa kaluwalhatian.” (Kaw 31:30; 11:16; tingnan din ang Kaw 5:18, 19.) Ang karunungan at kaunawaan mula sa Diyos ay maaaring maging tunay na palamuting panghalina (Kaw 3:21, 22; 4:7-9), kung paanong kahali-halina ang angkop na pananalita. (Aw 45:2; Kaw 22:11) Nang bumalik ang mga Judio mula sa pagkatapon sa Babilonya, si Zerubabel ay pinasigla na ipagpatuloy ang pagtatayo ng templo, anupat tiniyak sa kaniya na kapag inilatag ang pangulong-bato, “magkakaroon ng hiyawan para roon: ‘Kahali-halina! Kahali-halina!’⁠”​—Zac 4:7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share