EBRON
Ang pangalan ng isang lunsod sa hangganan ng Aser na ibinigay sa tribong iyon bilang bahagi ng kanilang mana. (Jos 19:24, 28) Yamang “Abdon” ang mababasa sa maraming manuskritong Hebreo, itinuturing ng karamihan sa mga iskolar na ang “Ebron” ay maling baybay ng pangalang iyon.—Tingnan ang ABDON Blg. 5.