ELIZUR
[Ang Aking Diyos ay Isang Bato].
Anak ni Sedeur na mula sa tribo ni Ruben; isa sa 12 pinuno na tumulong kina Moises at Aaron sa pagbilang sa mga anak ni Israel. (Bil 1:1-3, 5, 17; 2:10; 10:18) Bukod sa pakikibahagi sa panggrupong paghahandog na ginawa ng mga pinuno pagkatapos na maitayo ang tabernakulo, naghandog si Elizur ng kaniyang sariling handog noong ikaapat na araw para sa pagpapasinaya ng altar.—Bil 7:1, 2, 10, 30-35.