ISTOB
[Lalaki ng Tob].
Isa sa maliliit na kaharian na naglaan ng mga lalaking mandirigma upang magamit ng mga anak ni Ammon laban kay David. Natalo ang mga hukbo mula sa “Istob” at ang kanilang mga kaalyado. (2Sa 10, AT, KJ, NW, Yg) Inaakala ng karamihan sa mga tagapagsalin at mga heograpo na ang Istob ay dapat na isaling “mga lalaki ng Tob,” anupat tumutukoy sa “lupain ng Tob” kung saan nanirahan si Jepte. (Huk 11:3-11; tingnan ang 2Sa 10:6, 8, AS, JB, JP, RS.) Gayunman, ang pagkakasalin na “Istob” ay may suporta ng ilang sinaunang bersiyon. (LXX; Sy; Vg) Hindi alam sa ngayon kung saan ang lokasyon ng isang sinaunang Istob.—Tingnan ang TOB.