Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Sabsaban, Kuwadra”
  • Sabsaban, Kuwadra

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sabsaban, Kuwadra
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Si Jesus sa Sabsaban
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Kuwadra
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Jesu-Kristo—Isang Sanggol o Isang Hari?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Sabsaban, Kuwadra”

SABSABAN, KUWADRA

Sa isang sabsaban inihiga ang sanggol na si Jesus at doon siya nakita ng mga pastol na tumanggap ng patalastas mula sa isang anghel tungkol sa kaniyang kapanganakan. (Luc 2:7, 12, 16) Sa kasong ito, ang salitang Griego para sa “sabsaban” ay phatʹne, nangangahulugang “dakong pakainan.” Posible ring ang phatʹne ay tumutukoy sa kuwadra na pinaglalagyan ng mga hayop. (Ihambing ang Luc 13:15.) Karaniwang ipinapalagay na ang terminong Hebreo na ʼe·vusʹ ay nangangahulugang “sabsaban” at isinalin ito bilang phatʹne sa Griegong Septuagint, gaya ng tatlong iba pang salitang Hebreo na isinasalin bilang “mga kuwadra” (2Cr 32:28), “mga kulungan” (Hab 3:17), at “kumpay” (Job 6:5).

Sa Palestina, ang mga arkeologo ay may natagpuang malalaking labangan na bawat isa’y inukit mula sa isang piraso ng batong-apog at may haba na mga 0.9 m (3 piye), lapad na 0.5 m (1.5 piye), at lalim na 0.6 m (2 piye). Ipinapalagay na nagsilbing sabsaban ang mga ito. Maaari rin na, gaya nitong kalilipas na mga panahon lamang, ang mga sabsaban noon ay inuka sa mga batong dingding ng mga yungib na ginamit bilang silungan ng mga hayop.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share