NEREO
Isang kapatid na kasama ng kaniyang kapatid na babae ay inilakip sa mga pagbati ni Pablo sa kongregasyon sa Roma. (Ro 16:15) Matatagpuan din ang pangalang ito sa mga inskripsiyong Romano na nagtatala ng ilang kabilang sa sambahayan ng emperador, at gayundin sa alamat.