Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Semaias”
  • Semaias

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Semaias
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Secanias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Netanel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Delaias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hasabias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Semaias”

SEMAIAS

[nangangahulugang “Narinig (Pinakinggan) ni Jehova”].

1. Isang Simeonita na ang malayong inapo ay sumama sa ekspedisyon na nang-agaw ng pinanginginainang teritoryo mula sa mga Canaanita noong mga araw ni Hezekias.​—1Cr 4:24, 37-41.

2. Isang anak ni Joel sa tribo ni Ruben.​—1Cr 5:3, 4.

3. Pinuno ng Levitikong sambahayan ni Elisapan. Si Semaias at 200 sa kaniyang mga kapatid, na nagpabanal ng kanilang sarili, ay nasa prusisyon na nagdala ng kaban ng tipan sa Jerusalem.​—1Cr 15:4, 8, 11-16.

4. Kalihim ng mga Levita na nagtala sa 24 na pangkat ng mga saserdote na inorganisa ayon sa tagubilin ni David; anak ni Netanel.​—1Cr 24:6.

5. Panganay na anak ni Obed-edom, isang Levita. Si Semaias at ang kaniyang mga anak ay nakatalang lahat bilang mga bantay ng pintuang-daan na naatasan sa mga kamalig ng santuwaryo.​—1Cr 26:1, 4, 6, 7, 12, 13, 15.

6. Isang propeta ni Jehova noong panahon ng paghahari ng anak ni Solomon na si Rehoboam. Pagkatapos ng paghihimagsik ng sampung hilagang tribo noong 997 B.C.E., binigkas ni Semaias ang mga salita ni Jehova na nagbabawal sa pagtatangka ni Rehoboam na muling lupigin ang mga ito. (1Ha 12:21-24; 2Cr 11:1-4) Noong ikalimang taon ni Rehoboam (993 B.C.E.), sinalakay ng Ehipsiyong si Haring Sisak ang Juda, at sinabihan ni Semaias si Rehoboam at ang mga prinsipe nito na pinabayaan sila ni Jehova yamang pinabayaan nila Siya. Gayunman, dahil si Rehoboam at ang mga prinsipe ay nagpakumbaba, binawasan ni Jehova ang pagiging mapamuksa ng pagsalakay. (2Cr 12:1-12) Isinulat din ni Semaias ang isa sa mga nakasulat na rekord ng paghahari ni Rehoboam.​—2Cr 12:15.

7. Isa sa mga Levitang isinugo ni Haring Jehosapat noong kaniyang ikatlong taon (934 B.C.E.) upang magturo ng Kautusan sa mga lunsod ng Juda.​—2Cr 17:7-9.

8. Isang Levitang inapo ni Jedutun na inatasan ni Hezekias noong kaniyang unang taon ng pamamahala (745 B.C.E.) upang tumulong na linisin ang templo. Ibinaba ni Semaias at ng iba pang mga Levita ang maruruming bagay sa Libis ng Kidron. (2Cr 29:12, 14-16) Malamang na siya rin ang Blg. 9.

9. Isa sa mga Levita na namahagi ng mga ikapu at iba pang mga abuloy sa mga lunsod ng mga saserdote noong panahon ng paghahari ni Hezekias. (2Cr 31:6, 12, 14, 15) Malamang na siya rin ang Blg. 8.

10. Isa sa mga Levitang pinuno na nagbigay ng bukas-palad na abuloy na mga hayop na panghandog para sa pagdiriwang ni Josias ng dakilang Paskuwa.​—2Cr 35:1, 9.

11. Ama ni Urias, isang propetang kapanahon ni Jeremias; mula sa Kiriat-jearim.​—Jer 26:20.

12. Ama ni Delaias, isang Judeanong prinsipe noong panahon ng paghahari ni Jehoiakim.​—Jer 36:12.

13. Isang bulaang propeta na mula sa bayan ng Nehelam at isang kalaban ni Jeremias, dinalang bihag sa Babilonya kasama ni Jehoiakin noong 617 B.C.E. Mula roon ay sumulat siya sa saserdoteng si Zefanias at sa mga kasamang saserdote sa Jerusalem, na hinahatulan si Jeremias dahil sa paghula ng isang mahabang pagkatapon at dahil sa paghimok sa mga tapon na mamayan sa Babilonia. Iginiit ni Semaias na dapat ilagay si Jeremias sa pangawan. Gayunman, inihula ni Jehova na dahil tinangka ni Semaias na pagtiwalain ang mga Judio sa kabulaanan at nagsalita siya ng tahasang paghihimagsik, siya ni ang kaniyang supling man ay hindi mapapabilang sa pababaliking mga tapon.​—Jer 29:24-32.

14. Isang saserdote, at malamang ang pinagmulan ng isang makasaserdoteng pamilya, na bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. Sa sumunod na salinlahi, si Jehonatan ang naging ulo sa sambahayan ni Semaias sa panig ng ama. (Ne 12:1, 6, 7, 12, 18) Ang kanilang kinatawan, o isa pang saserdote na may gayunding pangalan, ay nagpatotoo sa pambansang tipan noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.​—Ne 10:1, 8.

15. Isang Levitang nagmula kay Jedutun na ang anak o inapong si Obadias ay nanirahan sa Jerusalem pagkaraan ng pagkatapon.​—1Cr 9:16, 34.

16. Isang Levita na mula sa mga inapo ni Merari na nanirahan din sa Jerusalem mga ilang panahon pagkaraan ng pagkatapon sa Babilonya; anak ni Hasub.​—1Cr 9:14, 34; Ne 11:15.

17. Isang lider ng mga anak ni Adonikam na sumama kay Ezra sa Jerusalem noong 468 B.C.E. Malamang na isa siya sa mga ipinadala ni Ezra upang humiling ng mga lingkod para sa santuwaryo, na ang resulta ay ang pagtitipon ng ilang Levita at Netineo ukol sa paglalakbay.​—Ezr 8:1, 13, 16-20.

18. Isa sa mga saserdote na pinasigla ni Ezra, pagdating sa Jerusalem, na paalisin ang mga asawang banyaga na kinuha nila; anak ni Harim.​—Ezr 10:10, 11, 21, 44.

19. Isa sa mga Israelita, anak ng isa pang Harim, na kumuha rin ng mga asawang banyaga ngunit pinaalis ang mga ito.​—Ezr 10:25, 31, 44.

20. Isa sa mga tumulong na kumpunihin ang pader ng Jerusalem; anak ni Secanias, at isang bantay ng pintuang-daan, sa gayon ay malamang na isang Levita.​—Ne 3:29.

21. Ang bulaang propeta na inupahan nina Tobia at Sanbalat upang sabihin kay Nehemias ang tungkol sa diumano’y banta sa buhay nito anupat sa ganitong paraan ay sinisikap na takutin si Nehemias, na hindi isang saserdote, upang makagawa ito ng kasalanan sa pamamagitan ng pagtatago sa templo. Anak ni Delaias.​—Ne 6:10-13.

22. Isa na nasa martsa ng pasinaya na isinaayos ni Nehemias pagkatapos na muling maitayo ang pader ng Jerusalem.​—Ne 12:31-34.

23. Isang saserdote na mula sa pamilya ni Asap na ang inapo ay nagmartsa sa prusisyon ding iyon, maliwanag na bilang isang manunugtog ng trumpeta.​—Ne 12:31, 35.

24. Isang saserdoteng manunugtog sa prusisyon ding iyon; lumilitaw na kamag-anak ng Blg. 23.​—Ne 12:31, 36.

25. Isang saserdote na lumilitaw na tumugtog ng trumpeta nang magtagpo ang dalawang koro ng pasasalamat sa bahay ni Jehova noong okasyon ng pagpapasinaya ng pader.​—Ne 12:40-42.

26. Isang malayong inapo ni David. (1Cr 3:9, 10, 22) Ipinapalagay ng ilang iskolar na ang mga salitang “at ang mga anak ni Semaias,” sa gitna ng talata 22 (na sinundan ng limang pangalan lamang), ay dapat na alisin bilang isang pagkakamali ng eskriba, sa gayon ay kinikilalang nagkaroon si Secanias ng anim na anak. Gayunman, iminumungkahi ng ibang mga iskolar na si Semaias at ang lima niyang anak ay itinuturing bilang ang anim na inapo ni Secanias.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share