SHUAH
Ang ikaanim at huling binanggit na anak ni Abraham sa kaniyang ikalawang asawa na si Ketura. (1Cr 1:32) Tumanggap si Shuah at ang lima niyang kapatid ng mga kaloob mula kay Abraham at pinalabas sila mula sa sambahayan nito patungong S. (Gen 25:1, 2, 5, 6) Ang mga inapo ni Shuah, ang mga Shuhita, ay ipinapalagay ng ilan na nanirahan sa kahabaan ng Eufrates sa pagitan ng dalawang sangang-ilog nito, ang Balikh at ang Khabur. Ang tanging Shuhita na binanggit sa Bibliya ay ang kasamahan ni Job na si Bildad.—Job 2:11.