Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Siracusa”
  • Siracusa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Siracusa
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Siracusa—Dinaanan ni Pablo sa Kaniyang Paglalakbay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Regio
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Paglalakbay ni Pablo sa Roma at Unang Pagkabilanggo Niya Doon (Gaw 27:1–28:31)
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Siracusa”

SIRACUSA

Isang lunsod na may mainam na daungan, nasa TS baybayin ng pulo ng Sicilia, sa ngayon ay tinatawag na Siracusa (sa Italyano). Ayon kay Thucydides, isang kolonyang Griego ang itinatag sa Siracusa noong ikawalong siglo B.C.E.

Ang apostol na si Pablo ay namalagi sa Siracusa nang tatlong araw sa pagtatapos ng kaniyang paglalakbay patungong Roma, noong mga 59 C.E. Maaaring kinailangan ang pagtigil doon dahil ang barko ay kinailangang maghintay ng angkop na hangin para sa paglalayag. (Gaw 28:12) Mula sa Siracusa, ang barkong sinasakyan ni Pablo ay “lumigid” at dumating sa Regio, sa timugang dulo ng Italya. Hindi alam kung ano ang eksaktong kahulugan ng pananalitang ito. Posibleng naglayag ang sasakyang-dagat sa isang tila pakurbang ruta, malayo sa baybayin, upang magkaroon ito ng sapat na hangin na hihihip sa mga layag nito. O kaya, marahil ito ay “tumahak sa isang sirkito​—namaybay​—” upang makarating sa Regio.​—Gaw 28:13, AB.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share