Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Tiquico”
  • Tiquico

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tiquico
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Si Tiquico—Isang Kapuwa Alipin na Mapagkakatiwalaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Mapapatibay Mo ang Iba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Artemas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Study Note sa Colosas—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Tiquico”

TIQUICO

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “kapalaran; tagumpay”].

Isa sa mga katulong ni Pablo, isang “minamahal na kapatid at tapat na ministro at kapuwa alipin sa Panginoon” mula sa Distrito ng Asia. (Col 4:7) Si Tiquico ay miyembro ng pangkat ni Pablo na bumalik mula sa Gresya at dumaan sa Macedonia patungo sa Asia Minor; ngunit hindi sinabi kung si Tiquico ay sumama, o hindi, hanggang sa Jerusalem. (Gaw 20:2-4) Si Tiquico ay isa sa ilang taong ipinapalagay na “ang kapatid” na tumulong kay Tito habang nasa Gresya sa pagsasaayos ng paglikom para sa mga kapatid sa Judea. (2Co 8:18, 19; 12:18) Mula sa kaniyang bilangguan sa Roma, isinugo ni Pablo si Tiquico taglay ang mga liham sa Efeso at Colosas, anupat nangako na si Tiquico ang magsasabi sa kanila ng higit pa tungkol sa kalagayan ng kaniyang mga gawain at aaliw sa kanila; binanggit sa liham sa mga taga-Colosas na si Onesimo ang makakasama nito. (Efe 6:21, 22; Col 4:7-9) Kasunod ng paglaya ni Pablo mula sa bilangguan, inisip niyang isugo sa Creta ang alinman kay Artemas o kay Tiquico. (Tit 3:12) Nang ang apostol ay mabalik sa isang bilangguang Romano sa ikalawang pagkakataon, isinugo niya si Tiquico sa Efeso.​—2Ti 4:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share