ZOHELET
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “reptilya”].
Isang bato sa tabi ng En-rogel. Gayunman, hindi alam kung saan ang lokasyon nito. Malapit sa “bato ng Zohelet,” si Adonias ay naghain at ipinroklamang hari ng maraming prominenteng lalaki ng Israel. Ngunit, ang may-kapangahasang pagtatangka niya na halinhan si David sa trono ay nabigo.—1Ha 1:9, 10, 25, 49, 50.