Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 4/1 p. 3-4
  • Ano ang Nangyayari sa Buhay Pampamilya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Nangyayari sa Buhay Pampamilya?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Ating “Mapanganib na Panahon”—Paano Apektado ang Pamilya Mo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Nakatutulong na Pagtuturo Ukol sa Ating mga Panahong Mapanganib
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Ano ang Tanda ng “mga Huling Araw,” o “Katapusan ng Panahon”?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • May Lihim ba ang Kaligayahan sa Pamilya?
    Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 4/1 p. 3-4

Ano ang Nangyayari sa Buhay Pampamilya?

“PAKISUYO pong tulungan ninyo ako kung maaari. Pinagmamalupitan ako ng aking asawang lalaki at hindi na ako makapagtiis. Wala akong mahihingan ng tulong. Nag-iisa na po ako at ang aking isang-taóng gulang na sanggol. Ang aking asawa ay barumbado at kung minsan ang aking mga baraso ay lamug na lamog na dahil sa kasusuntok niya sa akin. Kaniyang sinuntok ako sa ilong may dalawang linggo na ngayon at dumugo nang husto ang ilong ko. At isang gabi nang ako’y nakahiga na ay sinakal niya ako at saka lamang niya binitiwan ay nang halos malalagot na ang hininga ko at makilala niya ang kaniyang ginawang iyon. Kung mga ilang araw din na nahirapan akong lumunok. . . .

Ang aking asawang lalaki ay sigaw nang sigaw at sinisira ang mga gamit sa aming bahay at ang sanggol namin ay takot na takot. Isang gabi, pagkatapos na pagbuhatan ako ng kamay at napahandusay ako sa sahig, ganiyan na lamang ang katitili ng aming sanggol at ako’y nasaktan at takot na takot na gumawa ng anupaman. . . . Sinabi ko sa kaniya na ibig kong makipagdiborsiyo. Pero ngayon ay hindi ako nangangahas na magsabi ng ganiyan sapagka’t kung hindi ay pinagbubuhatan ako ng kamay at ang buhay ko o ng aking anak ay nanganganib.”​—Sinipi sa aklat na Scream Quietly or the Neighbours Will Hear, isinulat ni Erin Prizzey.

Isang bihira pang karanasan? Hindi! Tinataya na sa Estados Unidos lamang, taun-taon ay humigit-kumulang 1.8 milyon na mga babae ang binubugbog ng kani-kanilang asawa, alalaong baga, sinisipa, kinakagat, sinusuntok, hinahampas ng ano mang bagay, pinagbabantaan o sinasaksak ng balisong o kaya’y binabaril. At karagdagan pa rito ang mga kaso ng panggagahasa at emosyonal na kapabayaan sa mga anak, pag-aabuso sa mga magulang at mga nuno, at ang tanawin ay nagiging lalong malungkot. Kaya’t ang tanong: Ano ang nangyayari sa buhay pampamilya?

May dahilan ka na mabahala. ‘Bakit ako?’ marahil ay itatanong mo. ‘Nasisiguro ko sa iyo na hindi nangyayari ang ganiyang mga bagay sa aking pamilya!’ Kahit na, dapat kang maging interesado sa ganiyang mga problema sa pamilya. Bakit? Sapagka’t ang Bibliya noong una pa ay humula na na ang pagkamalaganap ng ganiyang mga gulo sa pamilya’y bahagi ng malinaw na ebidensiya na tayo’y nabubuhay sa “mga huling araw” ng buong pandaigdig na sistemang ito ng mga bagay.a Pansinin ang inihula ni apostol Pablo: “Alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mapanganib na mga panahong mahirap pakitunguhan. Sapagka’t ang mga tao ay magiging maibigin sa kanilang sarili, . . . masuwayin sa mga magulang, walang utang-na-loob, di-tapat, walang katutubong pagmamahal.”​—2 Timoteo 3:1-3.

Natutupad bang talaga ngayon ang mga sinalita ni Pablo? Gaano bang kalawak ang ganiyang mga gulo sa pamilya? Sumusuporta ba kaya iyan sa katuparan ng inihula ni Pablo na nagpapakilalang tayo nga ay nabubuhay na sa “mga huling araw”?

[Talababa]

a Pansinin na ang mga hula sa Bibliya tungkol sa “mga huling araw” ay bumubuo ng isang tanda na maraming bahagi. Ibig sabihin, pagka lahat ng bagay na inihula ay mangyayari sa isang saling-lahi, ito’y patotoo na tayo’y nabubuhay sa panahon ng kawakasan. Sa seryeng ito ng mga artikulo, ang pansin ay itutuon namin sa isang bagay tungkol sa mga hula, ito’y ang epekto ng ating “mapanganib na mga panahon” sa mga pamilya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share