‘Kahanga-hangang Pantulong sa mga Bata’
Iyan ang sabi ng mga magulang tungkol sa cassette recordings ng “Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya” (sa Ingles). Isang ina na taga-Florida, E.U.A., ang sumulat: “Mayroon akong dalawang maliit, isa’y apat na taon at yaong isa’y dalawang taon, parehong babae. Nang unang patugtugin ko ang tapes yaong apat na taon ay nakaupong sumusubaybay sa kaniyang ‘mga Kuwento sa Bibliya,’ binubuklat ang mga pahina at sinasagot ang mga tanong para sa 25 kabanata, habang siya’y sumusubaybay sa pagbabasa. Ang atensiyon niyaong dalawang taon ang edad ay hindi napipigil ng ganiyang katagal, pero siya’y nakaupo at nakikinig. Talagang napasasalamat ako at mayroon nitong kahanga-hangang pantulong na ito para sa ating mga bata.”
Inyo bang nakakaligtaan ang pantulong na ito sa pagtuturo? Kung wala pa kayo ng mga cassette tapes na ito, huwag magpaliban! Sulatan at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba at tatanggap kayo ng album na may apat na cassette. Ito’y ₱120 lamang; ang tagal ng pagpapatugtog ay 5 1/2 oras.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng album na may apat na cassette tapes ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles). Ako’y naglakip ng ₱120. (Para sa presyo sa mga ibang bansa, makipag-alam sa lokal na opisina ng Watch Tower Society.)