Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 7/15 p. 3-4
  • Ang Gitnang Silangan—Dito ba ang Armagedon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Gitnang Silangan—Dito ba ang Armagedon?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Armagedon—Ang Maling Pagkakilala Rito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Bakit Balitang-balita ang Armagedon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Ano ang Digmaan ng Armagedon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Armagedon—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 7/15 p. 3-4

Ang Gitnang Silangan​—Dito ba ang Armagedon?

“ARMAGEDON”​—ano ba ang ibig sabihin ng salitang ito sa Bibliya? Sunud-sunod na artikulo sa paksang ito ang nasa apat na labas ng Ang Bantayan sa Hulyo at Agosto ng 1985. Sana ay maaliw kayo ng kaalaman kung ano talaga ang ARMAGEDON.

“HABANG ang daigdig ay nagmamadali tungo sa pagbabaka para sa pangkatapusang sandali, ang importanteng siyudad na dapat matyagan ay hindi ang New York, Moscow, Paris, Peking, o Cairo. Ang siyudad na dapat matyagan ay ang Jerusalem!’’ Ganiyan ang pahayag ng mga teologong sina John F. at John E. Walvoord sa kanilang aklat na Armageddon, Oil and the Middle East Crisis.

Marami ang ginigiyagis ng takot pagka kanilang pinag-iisipan ang tungkol sa Jerusalem at ang maligalig na dako na kinaroroonan nito. Ang sabi ng Times ng London, “Ang Gitnang Silangan ay patuloy na nagiging kakila-kilabot.’’ Ang iba’y nangangamba na sa hinaharap ay baka magkaroon ng komprontasyon na tiyakang magkakasagupaan ang Estados Unidos at Soviet. Noong Enero 1984, naging napakasama ang relasyon ng dalawang magkaribal na superpowers kaya ang ginawa ng Bulletin of the Atomic Scientists sa kaniyang tanyag na “doomsday clock’’ (simbolo ng kung gaano kalapit ang daigdig sa digmaang nukleyar) ay ilipat ang minutero sa tatlong minuto bago maghating-gabi. Ang sabi ng Bulletin: “Tayo ay nakatayo sa maselang na kalagayan, nakaharap sa isang panahon ng komprontasyon, na ang lakas ang nagbabantang humalili sa ano mang anyo ng pag-uusap ng dalawang superpowers. Ito’y isang nakalalagim na kalagayan.’’

Subalit dumaraming pundamentalistang predikador, teologo, at TV evangelists, ang natutuwa pa sa mga pangyayaring ito. Ang lumulubhang tensiyon sa Gitnang Silangan ang waring nagbibigay ng katibayan sa kanilang mga prediksiyon na malapit nang maganap sa lugar na iyan ang Armagedon! At sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala sa pamamagitan ng mga aklat, mga panayam, at mga palabas sa telebisyon, sila’y nakatipon ng maraming tagasunod.

Ang mga komentaristang ito ay nag-aaway-away tungkol sa eksaktong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Subalit ang isang karaniwang ‘Armageddon scenario’ ay ganito: Ang pasimula ng ‘doomsday countdown,’ anila, ay ang pagkatatag ng Estado ng Israel. Samakatuwid ay inaakala nila na ang umano’y rapture ay malapit na. Sang-ayon sa kanila, hindi na magtatagal at ang mga tunay na Kristiyano ay biglang mapaparam sa lupa​—sila’y aagawin at dadalhin sa langit. Sa magaganap pagkatapos na pitong taon ng “kapighatian,’’ maraming mga ebanghelista ang humuhula na ang bansa ng Israel ay makukumbirte sa pagka-Kristiyano. Karamihan sa sangkatauhan, anila ay mapapasa-ilalim ng engkanto ng isang charismatikong diktador (ang “Antikristo’’) na mangunguna sa isang sampung-bansang koalisyon. Maging ang Israel man, ayon sa kanilang paniwala, ay kakampi sa kaniya. Subalit isang samahan ng mga bansang Arabe at iba pa, na pinangungunahan ng Russia, ang gagawa ng biglang pagsalakay sa Israel. Makahimalang pahihintuin ng Diyos ang pagsalakay na ito, sabi ng mga pundamentalistang ito. Subalit, hindi magtatagal at maglulunsad na naman ng isa pang pagsalakay ang “Antikristo,’’ at ito ang pasimula ng isang lubus-lubusang digmaan sa Gitnang Silangan​—ang Armagedon.

Marahil ito’y parang kapani-paniwala kung pakikinggan ayon sa iba. Mangyari pa, ang Bibliya ay tiyakang nagbibigay ng pasabi tungkol sa pagtitipon ng mga bansa para sa digmaan sa “Armagedon.’’ (Apocalipsis 16:14-16, King James Version) Subalit talaga bang ipinakikita ng Bibliya na ang pangyayaring ito’y magaganap sa Gitnang Silangan? At ano ang kahulugan ng lugar na pangyayarihan ng labanang ito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share