‘Talagang Gusto ng mga Bata’
Angaw-angaw na pamilya ang nagagalak ng pagbabasa ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ang 116 na mga kuwento nito buhat sa Bibliya ay nagbibigay sa mambabasa ng ideya ng kung ano ang nilalaman ng Bibliya. Ngayon ang 256-pahinang Mga Kuwento sa Bibliya na aklat (sa Ingles) ay nairekord sa apat na cassette tapes para lalung-lalo na sa mga bata. Isang ina na taga-Vancouver, British Columbia, ang sumulat ng ganito:
“Hindi ko maipahayag na lubusan ang aking kagalakan nang tanggapin namin ang mga tapes na ito sa aming tahanan. Kami’y may 2 anak na babae, edad 10 at 6 anyos, at natutuwa silang subaybayan ang mga kuwento sa kanilang aklat. Isa ring malaking tulong ito sa pagtulong sa aking anak na bunso na magbasa, yamang nasusundan niya ang karamihan ng salita sa aklat. Nasusundan niya ang mga 30 kuwento at nauunawaan pa rin iyon nang husto.”
Kung mayroon ka na nito, kumuha ka ng mga cassette tapes para sa iyong mga anak. Pakinggan ninyo ang mga kuwento sama-sama kayo bilang isang pamilya. O ang mga anak naman ay maaaring magpatugtog ng tapes para sa kanilang sarili at sa kanilang mga kasama. Ang album na may apat na cassettes ay ₱120 lamang; ang oras na nagugugol sa pagpapatugtog: 5 1/2 oras.
Pakisuyong padalhan ninyo ako, libre-bayad sa koreo, ng album na may apat na cassette tapes ng My Book of Bible Stories. Ako’y naglakip ng ₱120. (Para sa presyo sa mga ibang bansa, pakisuyong magtanong sa opisina ng Watch Tower Society doon.)