Aklat na Lubhang Nagbibigay-Inspirasyon!
“Katatapos ko lang basahin ang Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa” [sa Ingles], ang sabi sa sulat kamakailan ng isang babaing taga-Chicago, Illinois. “Bukod sa Bibliya mismo ang aklat na ito ang napatunayan kong pinakawasto, nagbibigay-inspirasyon, at nakagaganyak na babasahin na nabasa ko kailanman.” At siya’y nagpaliwanag:
“Ang unang pakikipag-usap ko sa mga Saksi ni Jehova ay negatibo. Nang una ay nayayamot ako pagka sila’y nagpipilit na pumunta sa amin upang balitaan ako tungkol sa Kasulatan. Ang palagay ng mga ilang kasambahay ko ay nababaliw na ako dahil sa pakikinig ko sa kanila. . . . Ngayon na nagkaroon ako ng pagkakataon na magpatotoo sa kanila kung ano nga baga ang katotohanan nang mabasa ko ang aklat na ito . . . talagang pasasalamatan ko kayo kung mayroong sinuman sa inyong organisasyon na tutulong sa akin sa regular na pag-aaral ng Bibliya.”
Ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa ay tumatalakay ng halos lahat ng pinagtatalunang mga turo ng Bibliya, tinitipong sama-sama ang patotoo sa maiklian at nauunawaang paraan kung kaya’t ang sagot ay nagiging malinaw sa mambabasa. Ang 256 na mga pahina ng aklat na ito, na kasinlaki ng pahina ng magasing ito, ay mayroong mahigit na 150 mga larawan, na karamihan ay kaakit-akit ang kulay. Pumidido ka na ngayon. Ito’y ₱30.00 lamang.
Itsek ang isa o ang pareho: Pakisuyong padalhan ako ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa.
[ ] Ako’y naglakip ng ₱30.00.
[ ] Nais ko pong isa sa mga Saksi ni Jehova ang pumarito sa amin upang ipaliwanag sa akin ang Bibliya nang walang bayad.