Pag-aalis sa “Kahangalan ng Tao”
Ang dating Kalihim ng E.U. Dean Rusk ng Estado ay sinipi kamakailan sa kaniyang sinabi na: “Bago natin parumihin ang kamangha-manghang kalangitan dahilan sa kahangalan ng tao, tunay na dapat tayong magsama-sama upang subukin natin na makasumpong ng paraan kung paano maiiwasan ang malungkot na posibilidad na ito.” Subali’t malulutas kaya ng mga tao ang problemang ito? Ang totoo’y nasasaksihan natin ngayon ang katuparan ng hula ni Jesus tungkol sa “mga tanda sa araw at sa buwan at sa mga bituin, at sa lupa ay panggigipuspos ng mga bansa,” na nagpapatunay na “ang kaharian ng Diyos ay malapit na.” Ang Kahariang iyan lamang ang mag-aalis sa “kahangalan ng tao.”—Lucas 21:25, 31; Daniel 2:44.