‘Tumulong Ito sa Akin na Makamit ang Respeto’
Ganiyan ang sabi ng isang lalaking mula sa Kanlurang Aprika tungkol sa aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. “Malimit na kami ng buong pamilya’y nag-uusap-usap na ginagamit ang aklat,” ang isinulat niya. “Ang mga kabataan sa aming lugar ay sumasali rin sa diskusyon. Salamat sa aklat na iyan, nakamit ko ang respeto ng lahat ng kabataan sa lugar namin at natulungan ko sila sa kanilang mga problema.”
Kasali sa aklat na ito na may 24 na kabanata ay: “Papaano Mo Minamalas ang Disiplina?” “Dapat Ka bang Uminom ng mga Inuming Nakalalasing?” “Ang Tugtugin at Sayaw na Pinipili Mo,” “May Kabuluhan ba ang Kalinisang-Asal sa Sekso?” at “Ang Pagde-“date” at Pagliligawan.” Maaari mong matamo ang mainam na aklat na ito para sa matagumpay na pamumuhay kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba kasama na ang abuloy na ₱14 lamang.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang, 192-pahinang aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Ako’y naglakip ng ₱14.