“Ang Pinakamagaling na Aklat sa Siyensiya na Nabasa Ko”
Iyan ang opinyon ng isang dating ebolusyunista tungkol sa kaakit-akit na aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Siya’y sumulat:
“Bilang isang dating estudyante sa siyensiya, hangang-hanga ako sa pagkamalinaw at pagkamabisa ng bagong aklat na ito. Naantig ang aking damdamin ng nakapanggigilalas na paglalarawan sa uniberso, sa mga galaksi, at sa lahat ng masalimuot na detalye na anupa’t posible nga ang mabuhay sa planetang Lupa. Ako’y manghang-hanga at galak na galak dahil sa saganang nakababagbag-damdaming impormasyon tungkol sa nabubuhay na mga hayop at sa likas na karunungan na nakapalibot sa atin. At ako’y nanliliit dahil sa pagkalarawan sa utak ng tao at sa pambihirang mga katangian nito.
“Kahit na kung ang aklat na ito ay hindi tumulong sa isang tao na maliwanagan niya ang paksa ng ebolusyon laban sa paglalang, sa palagay ko’y ito na ang pinakamagaling na aklat sa siyensiya na nabasa ko at nagpapatindi ng pagpapahalaga sa buhay at sa masalimuot na mga bagay na may buhay. Totoong adelantado ito kung tungkol sa paksa ng siyensiya, subalit inihaharap ito sa paraan na mauunawaan ng sinuman.”
Maaari kang magkaroon ng magandang 256-pahinang aklat na ito kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba kalakip ang ₱35.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ako’y naglakip ng ₱35.