Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 7/15 p. 32
  • ‘Iniahon Ako sa Matinding Kalumbayan’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Iniahon Ako sa Matinding Kalumbayan’
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 7/15 p. 32

‘Iniahon Ako sa Matinding Kalumbayan’

Isang babaing taga-Inglatera ang sumulat:

“Mahal na Ginoo:

“Noong Pebrero ako’y pumidido ng isang cassette album ng inyong Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles lamang), at bagamat ako’y espiritista, nang ang mga ito’y dumating ay ganiyan na lamang ang tuwa ko! Kalalabas ko lamang noon sa ospital pagkatapos ng isang mayor na operasyon at nasa higaan ako na nakararamdam ng panghihina at kalumbayan. Kaya nang ibigay sa akin ng aking asawa ang balutan, minabuti kong patugtugin ang mga tapes at subaybayan iyon sa aklat.

“Tunay na ako’y iniahon nito buhat sa aking matinding kalumbayan, at sa unang-unang pagkakataon sa loob ng sampung araw ay aktuwal na nakadama ako ng pagkakaroon ng interes sa aking mga kapaligiran. Nang ang aking mga apong lalake (6 at 8 anyos) ay dumalaw sa akin, ang mga ito’y ipinarinig ko sa kanila, sila’y tuwang-tuwa doon sa parte na kanilang napakinggan kaya ipinahiram ko sa kanila ang mga ito upang maiuwi at mapakinggan ang lahat ng mga ito. Dahil sa tiyak na nakalugod sa kanila nang husto ang mga ito, ako’y pasasalamat kong ako’y padadalhan ninyo ng isa pang set ng cassette tapes pati ng aklat upang ang una ay mapasa-kanila na.”

Isinusog pa niya ito: “Sa tanang buhay ko ay malimit na nagsisikap akong basahin ang aking Bibliya ngunit hindi ako nasisiyahan ni nauunawaan ko man ito. Subalit ang mga tapes o ang aklat na ito ang nagpaliwanag ng lahat nang buong linaw!

Ikaw man ay tatanggap ng mga cassette tape (sa Ingles lamang) na ito o ng aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o ng dalawang ito, kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon.

Itsek ang alinman sa dalawa o ang dalawang sumusunod:

[ ] Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng kulay-tsokolateng vinyl album na may apat na cassette tape ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles lamang). Ako’y naglakip ng ₱120.00.

[ ] Padalhan ako ng 256-pahinang may mga larawang aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ako’y naglakip ng ₱35.00. Pakisuyong ilakip ang tamang halaga.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share