Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 10/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Pastol na “Halimbawa sa Kawan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Apostasya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Apostasiya
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Ang Disiplina na Makapagbubunga ng Bungang Mapayapa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 10/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Ano ang dapat na igawi ng kongregasyon kung mayroong sinoman na umaalis sa tunay na pananampalatayang Kristiyano at sumasama sa ibang relihiyon?

Ang ganiyan ay kung minsan nangyayari noong unang siglo. Kung gayon, hindi kataka-taka kung mangyari man iyan manaka-naka ngayon. Pagka nangyayari ang ganiyan, ang kongregasyon ay tumutugon sa angkop na paraan upang maingatan ang espirituwal na kalinisan ng tapat na mga Kristiyano na nasa kongregasyon.

Ang depinisyon ng isang diksiyonaryo sa apostasya ay “pagtatakuwil ng isang tao sa kaniyang relihiyon, mga prinsipyo, partido politika, atb.” Isa pa ang nagsasabi: “Apostasya . . . 1 : pagtatakuwil sa isang relihiyosong pananampalataya 2 : pagtalikod sa isang dating itinataguyod.” Kaya naman, si Judas Iscariote ay nagkasala ng isang anyo ng apostasya nang siya’y tumalikod sa pagsamba sa Diyos na Jehova sa pamamagitan ng pagkakanulo kay Jesus. Nang maglaon, ang mga iba’y naging mga apostata nang kanilang talikdan ang tunay na pananampalataya kahit na noong nabubuhay pa si apostol Juan at ang mga ibang unang alagad. Si Juan ang sumulat: “Sila’y nagsihiwalay sa atin, ngunit sila’y hindi natin kauri; sapagkat kung sila’y kauri natin, sana’y nanatili silang kasama natin.”​—1 Juan 2:19.

Ano ang dapat gawin pagka nangyari ang ganiyan din ngayon? Ang hinirang na matatanda, o mga pastol, ng kongregasyon ay baka makabalita tungkol sa isang bautismadong Kristiyano na hindi na nakikisama sa mga lingkod ni Jehova at maliwanag na nakikisama sa ibang relihiyon. Kasuwato ng mga salita ni Jesus tungkol sa pagkabahala pagka mayroong tupang napaligaw, ang espirituwal na mga pastol ay dapat na maging interesado na tulungan ang gayong tao. (Mateo 18:12-14; ihambing ang 1 Juan 5:16.) Subalit ano kung ang mga pastol na inatasang magsuri sa bagay na iyon ay mapaharap sa katotohanan na ang nasabing tao ay ayaw nang magkaroon ng anomang kaugnayan sa mga lingkod ni Jehova at siya’y desidido na manatili sa isang huwad na relihiyon?

Kung magkagayon ay basta ipatatalastas nila sa kongregasyon na ang nasabing tao ay naghiwalay na ng kaniyang sarili, kaya siya ay hindi na isa sa mga Saksi ni Jehova. Ang gayong tao ay ‘tumalikod sa kaniyang dating itinataguyod,’ subalit hindi kailangan na siya’y pormalan na itiwalag. Bakit? Sapagkat siya na ang kusang naghiwalay ng kaniyang sarili sa kongregasyon. Malamang na hindi na niya sinisikap na makipagtalastasan sa kaniyang dating mga kapatid upang himukin sila na sundan siya. Ang mga tapat na kapatid naman ay hindi na dapat makisama sa kaniya, yamang ‘siya’y humiwalay na sa kanila, sapagkat siya’y hindi nila kauri.’ (1 Juan 2:19) Ang gayong taong ‘humiwalay sa atin’ ay baka magpadala ng mga liham o literatura na nagtataguyod ng huwad na relihiyon o apostasya. Lalo lamang ididiin nito na ang taong iyon ay tiyak ‘na hindi natin kauri.’

Ang Kasulatan ay nagbababala na mayroong mga tao na magpapatuloy na kasa-kasama ng mga lingkod ng Diyos at magtatangka na iligaw ang iba. Si apostol Pablo ay nagpayo: “Sa mga kasamahan din ninyo lilitaw ang mga taong magsasalita ng mga bagay na pinilipit upang makaakit ng mga alagad.” (Gawa 20:30) Mariing binabalaan niya ang mga Kristiyano na ‘mataan ang mga taong sanhi ng mga pagkakabaha-bahagi at ng mga dahilan na ikatitisod laban sa turo na kanilang natutuhan, at iwasan sila.’​—Roma 16:17, 18.

Kaya’t kung mayroong sinoman na naging isang bulaang guro sa gitna ng mga tunay na Kristiyano, gaya nina Himeneo at Pileto noong kaarawan ni Pablo, ang mga pastol ng kawan ay kailangang gumawa ng hakbang upang mabigyang-proteksiyon ang kawan. Kung ang taong iyon ay tumanggi sa maibiging payo nila at nagpatuloy ng pagtatayo ng isang sekta, ang isang komite ng matatanda ay maaaring magtiwalag, o mag-alis, sa gayong tao na apostata. (2 Timoteo 2:17; Tito 3:10, 11) Ang mga kapatid sa kongregasyon ay kailangang sumunod sa payo ni Pablo na “iwasan” ang isa na nagsisikap na magdala ng “pagkakabaha-bahagi.” Ganiyan din ang payo ni Juan: “Kung sa inyo’y dumating ang sinoman at hindi dala ang aral na ito, huwag ninyong tanggapin siya sa inyong mga tahanan o batiin man.”​—2 Juan 10.

◼ Nang bumalik ang mga Judio sa Jerusalem galing sa pagkabihag sa Babilonya, ang layo ba ng kanilang paglalakbay ay mga 500 milya (800 km) o 1,000 milya (1,600 km)?

Ang diretsong distansiya mula sa sinaunang Babilonya hanggang Jerusalem ay humigit-kumulang 500 milya. Ang paglalakbay ng ganiyang kalayo ay pagtawid sa mga lugar na totoong mahirap na paglakbayan, kasali na ang pagkalalawak na mga lupaing tigang na tigang o disyerto. Ang isa pang ruta na maaaring daanan at humigit-kumulang doble ang haba ay yaong hanggang sa libis Euprates sa direksiyon ng Haran, at pababa sa Damasko patungo sa Lupang Pangako. Dito sa huling rutang ito dumaan si Abraham nang siya kasama ang kaniyang pamilya ay galing sa Ur patungong Canaan.​—Genesis 11:31–12:5.

Hindi inilalahad ng Bibliya ang tungkol sa ruta na dinaanan ng mga Judio nang sila’y pabalik sa Jerusalem galing sa pagkabihag sa Babilonya. (Ezra 8:1-32; 7:7-9) Kaya alinman sa dalawang numerong iyan ay posibleng totoo at maaaring gamitin sa pagbanggit sa paglalakbay. Ang lalong mahalaga ay ang bagay na nakalaya sa maka-Babilonyang mga paniwala at mga gawain ang nagsisibalik na mga Judio noon samantalang sila’y dumaraan sa “Daan ng Kabanalan.”​—Isaias 35:8-10; ihambing ang mga pahina 153-7 ng aklat na Man’s Salvation out of World Distress at Hand! lathala noong 1975.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share