Siya’y Naiwan ng Bus
ISANG araw nakita ni James na ang kaniyang anak na si Rebecca ay lumalakad nang mabagal na mabagal sa pagsalubong sa school bus. Bagaman nakikita ni Rebecca na palapit sa kaniya ang bus, siya’y lalong nagmabagal upang sadyang maiwan ng bus.
Nang gabi ring iyon ang pangyayari ay pinag-usapan ni James at ng kaniyang maybahay, si Veronica, sa pamamagitan ng pagrerepaso sa kuwentong “Si Jonas at ang Malaking Isda” buhat sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Isa ito sa mga paborito ni Rebecca. Pagkatapos na mabasa ang kuwento, ito’y iniugnay ng mga magulang sa problema ng kanilang anak. Nasakyan naman kaagad iyon ni Rebecca at ang sabi: “Bagama’t si Jonas ay naglayas at nakaranas ng malakas na bagyo sa dagat, at siya’y nilamon ng isda at iniluwa pagkatapos—ang kaniyang gawain na para kay Jehova ay naghihintay pa rin na gawin niya.”
Kinabukasan si Rebecca ay pumasok sa paaralan na taglay ang isang bagong saloobin at bitbit niya Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.
Tatanggap ka ng isang kopya ng magandang aklat na ito na sagana sa larawan, may malalaking letra, at 256-pahina kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kaya ako’y naglakip ng ₱35.