Pag-aanunsiyo—Kung Ano ang Nagagawa Nito
MARAMING taon na ngayon na ang panlikod na pahina ng Ang Bantayan ay nag-aanunsiyo ng mga literatura sa Bibliya. Kamakailan, isang liham buhat sa Georgia, E.U.A., ang pumuri sa mga anunsiyong ito. Ang sumulat ay nagpaliwanag na ang mag-asawang tinutulungan nilang mag-asawa na mag-aral ng Bibliya ay tumugon sa mga anunsiyong ito at kumuha, bukod sa iba pang mga lathalain, ng cassette tapes ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles). Pagkatapos, sila’y bumili ng mismong aklat ng Mga Kuwento sa Bibliya. Ipinaliliwanag ng sumulat ang epekto ng aklat na ito sa nasabing mag-asawa:
“Sila’y nagkaroon ng kaalaman sa kasaysayan mula pa kay Adan patuloy na anupa’t nang linggo lamang na ito ay naliwanagan nila ang tungkol sa iba’t ibang lahi ng mga tao ayon sa wastong pagkaunawa. Pagkatapos bumasa ng mga ilang talata, tulad baga ng Gawa 17:26 at Genesis kabanata 10, at ang tinutukoy ay ang kasaysayan ng tao buhat sa aklat na Mga Kuwento sa Bibliya, ito ang puna ni Jim: ‘Sinabi kong hindi ko naman hinuhusgahan ito patiuna, subalit ngayon lamang, sa gabing ito masasabi ko iyan at talagang iyan ang ibig kong sabihin.’”
Ganito ang pagtatapos ng sumulat: “Totoo nga, ang inyong mga pag-aanunsiyo ay nagbunga ng higit na espirituwalidad sa maiksing panahon.”
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya ay mayroong 116 na mga salaysayin sa Bibliya na nagbibigay sa mambabasa ng ideya ng kung ano nga ang nilalaman ng Bibliya. Tatanggapin mo ang cassette tapes o ang tomo ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o kapuwa ito, kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Itsek ang alinman o kapuwa nito sa sumusunod:
[ ] Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng kayumangging vinyl album na may apat na cassette tapes ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles lamang). Ako’y naglakip ng ₱120. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)
[ ] Magpadala ng de-larawang 256-pahinang Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kaya naglakip ako ng ₱35.00. Pakisuyong maglakip ng tamang abuloy.