Bakit Kaliligtaan ang mga Ito?
Samantalang nakapila sa isang bangko sa Siyudad ng New York noong nakaraang tag-araw, isang babaing nasa katanghaliang-gulang ang nakapuna sa isang lalaking nakapila sa harap niya na nagbabasa ng magasing Bantayan. Ang babae ay sabik na basahin ang artikulo roon tungkol sa panalangin, kaya’t tinandaan niya ang petsa ng magasin.
Mga ilang araw ang nakaraan, siya’y dinalaw sa kaniyang tahanan ng mga Saksi ni Jehova, at ang tanong niya: “Mayroon ba kayong petsa Hulyong labas ng Ang Bantayan?” Pagkatapos mabatid kung bakit siya interesado sa isang partikular na magasin, isa sa mga Saksi ang nagsabi: “Ang pinakamagaling na paraan upang huwag makaligtaan ang anumang interesanteng labas ng magasin ay ang sumuskribe.”
“Hindi ko alam na puwede pala!” ang bulalas ng babae. Nang sabihin sa kaniya na ang isang taóng suskripsiyon ay ₱60 lamang, ang tugon niya: “Sigurado ba kayo? Ito’y ₱60 lamang sa buong isang taon?” Nang tiyakin sa kaniya na gayon nga, sinabi niyang hindi lamang Ang Bantayan ang gusto niya kundi pati ang kasamang magasing Gumising! “Sigurado ba ninyo na puwede akong magkaroon ng kapuwa mga magasing iyan sa halagang ₱120 lamang?” ang tanong niya muli.
Natuwa ang babaing iyon nang siya’y isuskribe ng Saksi. Kayo rin naman ay puwedeng tumanggap sa inyong tahanan ng mga magasing Bantayan at Gumising! Magpadala lamang ng ₱120, at kayo’y tatanggap ng kapuwa mga magasing iyan (apat na sipi isang buwan) sa loob ng isang taon.
Pakisuyong padalhan po ako ng isang taong suskripsiyon sa Ang Bantayan at Gumising! Ako’y naglakip ng ₱120. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa kailangang impormasyon.)