‘Lalong Maligaya Ngayon Kaysa Kailanman’
Ganiyan ang sabi ng isang babaing nagkapit ng payo na nasa aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya. Siya noon ay mayroong mga suliranin sa pagsasama nilang mag-asawa at kaniyang ipinakipag-usap ito sa babaing naglilinis ng kaniyang bahay. Ang babaing naglilinis na iyon ay sumulat:
“Ang payo na ibinigay ko sa kaniya ay kinuha ko sa aklat. Sa wakas ay sinabi ko sa kaniya na mayroon akong aklat na baka kawilihan niyang basahin. Ipinaliwanag ko kung paano ito nakatulong sa akin at ito’y sagana sa sentido komon na mula sa Bibliya. Mga ilang araw pagkalipas, kinausap ko siya sa telepono at nabatid ko na ang aklat ay binasa nilang mag-asawa at sila’y nagpasiya na magpasunuran nang medyo maganda.
“Nang gabing ito ay muli siyang tumawag sa akin at, bukod sa iba pang mga bagay, sinabi niyang ngayon sila’y lalong maligaya kaysa kailanman. Sila’y magkasamang bumasa ng aklat, tiningnan ang mga teksto sa Bibliya, at kanilang ikinakapit ang mga simulain na naroon.”
Kung ibig mong ikaw ay matulungan upang maging lalong maligaya ang pagsasama ninyong mag-asawa, pakikinabangan mo ang aklat na ito. Tatanggap ka ng isang kopya kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Pakisuyo pong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang, 192-pahinang aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya. Ako’y naglakip ng ₱14.