“Isang Lubhang Kahanga-hangang Paraan ng Pagtuturo”
Iyan ang sabi ng isang taong taga-Springfield, Oregon, E.U.A., tungkol sa mga cassette tape ng aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro (sa Ingles). “Ito ay tunay na isang lubhang kahanga-hangang paraan ng pagtuturo kaninuman,” ang isinulat niya. “Ang mainam na payo sa mga magulang at sa maliliit na mga anak ay lubhang kahanga-hangang maituturo! Wala akong maisip na anuman kundi ‘kahanga-hanga’ upang tukuyin ang paraan ng pagbasa sa aklat, ang paraan ng paglalahad ng mga kuwento! Salamat po sa inyo buhat sa kaibuturan ng aming mga puso! Pakisuyong magpadala kayo ng dalawa pang set. Kalakip po rito ang isang tseke para sa mga tape.”
Ang album ay naglalaman ng apat na cassette tape at ang aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro (sa Ingles). Ang tagal ng pagpapatugtog ay mahigit-higit lamang sa limang oras. Ang aklat ay dinisenyo para basahin sa mga bata, ngunit ang buong pamilya ay maaaring makinabang sa pamamagitan ng pakikinig na sama-sama sa mga tape. O ang mga bata ay maaaring magpatugtog ng mga tape para sa kanilang sarili at sa kanilang mga kasama.
Ito’y bahagi ng isang pandaigdig na pagtuturo sa Bibliya na suportado ng kusang abuloy.
Padalhan po ako ng magandang vinyl album na may apat na cassette tape at ng aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro (sa Ingles). (Sa labas ng E.U.A., sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)