“Reseta Para sa Pagpapalaki ng Maligaya at Matagumpay na Anak”
SA ILALIM ng paulong ito, ang magasing Medical Aspects of Human Sexuality ay naglathala ng isang artikulo na kung saan si Dr. Irene Jakab, isang propesor ng sikayatriya sa unibersidad, ay bumalangkas ng kaniyang inaakalang kailangan kung ang isang bata ay palalakihin upang maging isang matagumpay na adulto. Kabilang sa mga sangkap ng kaniyang “reseta” ay ang pangangailangan na ibigin ng mga magulang ang kanilang anak, gabayan siya tungkol sa kung ano ang mabuti at masama, at sanayin siya sa paggawa ng mga desisyon. Kaniyang inaakala na ang mga “reseta” ay tiyakan na di-dapat haluan ng ugaling pagkamagagalitin sa bahagi ng mga magulang, nang perfectionism, labis na pagkabalisa, o kaluwagan sa disiplina.
Ang mga “reseta” ni Dr. Jakab ay matatag naman sa abot ng nararating. Tiyakan, libu-libong taon ang nakalipas, ang Bibliya’y nagbigay ng nakakatulad na payo sa mga magulang. (Tingnan halimbawa, ang Kawikaan 4:1; 13:24; 22:6; Colosas 3:21.) Gayunman, sa Bibliya ay may isang bagay na hindi binanggit si Propesor Jakab: ang lubhang kahalagahan ng pagtuturo sa mga anak na ibigin ang kanilang Maylikha at magkaroon ng kaalaman sa kaniyang Salita. Ang apostol na si Pablo ay sumulat: “Kayo, na mga ama, huwag ninyong ibuyo sa galit ang inyong mga anak, kundi patuloy na palakihin sila sa disiplina at pangkaisipang-patnubay ni Jehova.”—Efeso 6:4; Deuteronomio 6:4-7.
Kung wala ang ganiyang pagsasanay, ang mga anak ay lálaki na walang pinaka-sinipeteng magsisilbing pamantayang-asal. Ang resulta ay maaaring humantong sa kapahamakan sa imoral at likong sanlibutang ito.