Papaano Ko Malalabanan ang Panggigipit ng Kasamahan?
Isang liham mula sa isang opisyal ng pulisya sa Chicago ang nagpapakita ng kahalagahan ng pagkaalam ng kasagutan. Siya’y sumulat:
“Noong Enero 15, 1990, ako’y nag-aasikaso ng isang 18-anyos na preso na ibinalik sa Chicago galing sa Mississippi dahil sa pagtakas sa kulungan. Ang isang bahagi ng pag-aasikasong iyon ay ang kunin ang lahat ng ari-arian ng preso. Nasa kaniyang pag-iingat ang isang aklat na Ang mga Kabataan ay Nagtatanong.
“ ‘Binasa mo ba ang aklat na ito?’ ang tanong ko.
“ ‘Opo,’ ang tugon niya, ‘samantalang ako’y nagtatago sa Mississippi, ako’y nagtrabaho sa isang sakahan, at dalawa sa mga Saksi ni Jehova ang nagbigay sa akin ng aklat na ito.’ Pagkatapos ay napaiyak siya, halos hindi mapigil ang kaniyang paghikbi. Sa pagitan ng mga hikbi, sinabi niya: ‘Nabasa ko ang aklat na ito nang maraming beses, at ang kabanatang paulit-ulit na binasa ko ay ang “Papaano Ko Malalabanan ang Panggigipit ng Kasamahan?” ’ Isinusog niya: ‘Kung sana’y alam ko na ang impormasyong ito tatlo o apat na taon na ang lumipas, hindi sana ako naririto ngayon.’
“Ang preso ay inalis na roon at nabasa ko ang pulis report at ang kaniyang ikinumpisal sa pulisya. Doon ay sinabi niya: ‘Ang lider ng aking barkada ay nag-utos sa akin na pumaroon ako sa lansangan at barilin ang isang miyembro ng karibal na gang na nagbebenta ng cocaine sa aming teritoryo. Ginawa ko ang iniutos sa akin. Nangangamba akong baka isipin ng ibang miyembro na hindi ko kayang gawin iyon. Ibig kong ako’y tanggapin.’ ”
Marahil ikaw man ay nagtanong na sa iyong sarili ng gaya nito: “Papaano ko malalabanan ang panggigipit ng kasamahan? Dapat ba akong huminto sa pag-aaral? Papaano ko tatanggihan ang pagsisiping bago ikasal? Bakit magsasabi ng hindi sa droga? Ito’y ilan lamang sa mga paksang tinatalakay sa Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Kung interesado ka na tumanggap ng isang kopya ng kaakit-akit ang mga larawang 320-pahinang aklat na ito, pakisuyong sulatan at ihulog sa koreo ang kupon.
Nais ko pong tumanggap ng pinabalatang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)