Ginamit sa Pagtuturo sa Klase
Ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? ay ginamit sa isang paaralan sa California. Ito’y ipinaliliwanag ng isang 11-anyos na bata. “Ako noon ay nagbubuklat ng aklat na Creation,” ang isinulat niya, “at napansin ko na mayroon itong mga ilang kabanata tungkol sa sansinukob at sa mga bituin. Noon ay tinuturuan na kami ng astronomya ng aking guro.
“Kaya isinulat ko sa kapirasong papel ang mga kabanata na maaaring kagiliwan niyang basahin, at ito’y ibinigay ko sa kaniya kasama ng aklat. Siya’y walang sinabing anuman sa loob ng dalawang buwan. Pagkatapos ay sinimulan niyang turuan kami tungkol sa big bang theory. Sinabi niyang kaniyang pinag-aaralan ang isang aklat. Nagpunta siya sa kaniyang desk at kinuha ang Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Takang-taka ako!
“Sinabi niya na ito ang pinakamagaling na aklat na kaniyang nabasa. Pagkatapos ay binuksan niya ang aklat at ipinakita sa klase ang mga larawan. Napansin ko na bawat tanong niya ay nasagot sa aklat at naitampok pa. Pagka kaniyang tinuturuan kami, kaniyang bubuklatin ang aklat, babasahin ang parapo, at pagkatapos ay ipaliliwanag iyon. Nang dumating ang panahon para sa test, ang mga tanong ay doon mismo kinuha sa aklat. Kaya naging madali para sa akin na mag-aral para sa test. . . . Ang nakuha ko’y A.”
Inaakala namin na ikaw man ay makikinabang sa aklat na ito. Kung ibig mong tumanggap ng isang kopya, pakisuyong sulatan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Ibig ko pong tumanggap ng pinabalatang 256-pahinang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)