Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 12/1 p. 32
  • Binago ng Aklat na Ito ang Kanilang Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binago ng Aklat na Ito ang Kanilang Buhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 12/1 p. 32

Binago ng Aklat na Ito ang Kanilang Buhay

Mga ilang taon na ngayon na isang babae ang nakipagdiborsiyo sa kaniyang asawa. Sa wakas ang kaniyang anak na si Steve ay naging isa sa mga Saksi ni Jehova. Sinikap ni Steve na makipag-usap sa kaniyang ina tungkol sa mga paniwala niya ngunit nabigo. Siya’y dumalaw rin sa kaniyang ama, na noo’y malapit nang mamatay dahil sa kanser.

Sa halip na magsalita nang marami, basta iniwan ni Steve ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa sa may tabi ng higaan ng kaniyang ama at sinabi niya na ang pagbabasa niyaon ay tutulong sa kaniya. Ang aklat ay binasa ng kaniyang ama at siyang mag-isa’y nagsimulang dumalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova noong Enero 1988.

Samantala, ang ina ni Steve ay nagkaroon ng mga pagkakataon sa mga pagtitipon ng pamilya na magmasid sa bagong personalidad na ipinakita ng kaniyang dating asawa. Ito ay hinangaan niyang mabuti na anupa’t siya’y sumang-ayon na dumalo sa isang pulong ng mga Saksi ni Jehova. Siya’y nagsimulang dumalo sa mga pulong nang palagian, at di-nagtagal siya’y nakaupo na roon kasama ang kaniyang dating asawa. Sa wakas sila ay muling napakasal.

Ang ama ni Steve ay namatay noong Setyembre 1988 ngunit bago noon ay nakibahagi na siya sa ministeryong Kristiyano. Ang ina ni Steve, na nag-alaga sa kaniyang ama noong katapusang mga buwan ng kaniyang pagkakasakit, ay nabautismuhan noong Hunyo 1988 at ngayon ay isang masigasig na Saksi.

Isang aklat na nagbibigay ng pag-asa ang Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa sa pamamagitan ng pagtatawag-pansin sa mga kasagutan ng Bibliya sa mga suliranin ng buhay. Ito ay naging kasangkapan sa pagbabago ng maraming buhay. Para sa impormasyon sa kung paano ka magkakaroon ng isang kopya, sulatan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.

Nais ko pong tumanggap ng pinabalatang 256-pahinang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share