Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 4/1 p. 3-4
  • Malapit Na Ito Kaysa Kanilang Akala!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Malapit Na Ito Kaysa Kanilang Akala!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Si Jeremias—Di-popular na Propeta ng mga Kahatulan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Aklat ng Bibliya Bilang 24—Jeremias
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Jeremias
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Hindi Magawang Manahimik ni Jeremias
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 4/1 p. 3-4

Malapit Na Ito Kaysa Kanilang Akala!

ANG taon, 609 B.C.E. Ang lugar, Jerusalem. Ang tagapagsalita, si Jeremias na propeta. Kaniyang inihula na mawawasak ang kaniyang minamahal na banal na siyudad, ang Jerusalem, mapupuksa sapagkat ang mga Judio ay tumalikod kay Jehova at nalulong sa pagsamba sa mga diyus-diyusan. Sila’y nahulog sa mahalay na pagsamba sa sekso sa matataas na dako, naghandog ng mga inumin sa paganong mga diyos, sumamba sa araw at buwan at mga bituin, nagsunog ng kamangyan kay Baal, at naghain kay Molek ng kanilang mga anak.​—1 Hari 14:23, 24; Jeremias 6:15; 7:31; 8:2; 32:29, 34, 35; Ezekiel 8:7-17.

Sa kanilang paningin si Jeremias ay isang tagapagpalahaw ng kapahamakan, isang panatiko, isang walang-kasiyahan sa anuman at sa lahat. May 38 taon na sila’y binigyang-babala ni Jeremias; may 38 taon na ang mga taga-Jerusalem ay nanlibak sa kaniya. Magpahanggang sa panahong ito, ang mga tao’y hindi nagbibigay ng kaukulang pansin kay Jehova, sinasabi nila na siya’y isang lakas na hindi dapat alalahanin. Sinabi nila: “Si Jehova ay hindi gagawa ng mabuti, at siya’y hindi gagawa ng masama” at, “pinabayaan na ni Jehova ang lupain, at si Jehova ay hindi nakakakita.”​—Zefanias 1:12; Ezekiel 9:9.

Ang mga propetang sina Jeremias at Ezekiel ay nangangaral ng pagkawasak ng Jerusalem, subalit wala namang nangyayari. Kaya ipinagpalagay ng mga Israelita na ang gayong pangitain ay hindi matutupad sa kanilang kaarawan, na nagsasabi: “Ang mga araw ay matagal pa, at bawat pangitain ay naparam.” Subalit ang tugon dito ni Jehova ay: “Ang mga araw ay malapit na . . . Sapagkat ako, si Jehova, ay magsasalita, at ang salitang aking sasalitain ay matutupad. Hindi na ipagpapaliban pa, sapagkat sa inyong mga kaarawan, Oh mapaghimagsik na sambahayan, ako’y magsasalita at tiyak na gagawin ko iyon.”​—Ezekiel 12:22-25.

Noong 609 B.C.E., sumapit ang panahon upang tuparin ni Jehova ang kaniyang salita. Pagkatapos na si Jeremias ay magbigay-babala sa loob ng halos apatnapung taon, ang siyudad ng Jerusalem ay kinubkob ng mga hukbo ng Babilonya. Makalipas ang labing walong buwan ang mga pader ay nasira, sinunog ang templo, at karamihan ng mga tao ay dinalang bihag sa Babilonya. Gaya ng inihula, ang lunsod ay nawasak sa pamamagitan ng tabak at gutom at salot.​—2 Hari 25:7-17; 2 Cronica 36:17-20; Jeremias 32:36; 52:12-20.

Tama naman si Jeremias. Ang mga tao ay nagkamali. Malapit na nga ito kaysa kanilang akala! Ang pangitain ay hindi na mga taon ang itatagal. Iyon ay matutupad sa kanilang kaarawan.

Ito ay hindi basta kasaysayan lamang. Ang nangyari sa Jerusalem ay makahula. Ito’y anino ng isang bagay na darating. Ang kasalukuyang-panahong Sangkakristiyanuhan ay nagdadala ng pangalan ni Kristo at nag-aangkin na nasa isang pakikipagtipan sa Diyos; gayunman siya’y sumusunod sa yapak ng mga taga-Jerusalem noong una. Sa pangkalahatan, ang mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan ay nagtuturo ng mga aral pagano, nahawa sa seksuwal na imoralidad, nagtataguyod ng mga patakarang makapulitika, sumusuporta sa mga digmaan ng sanlibutan, naniniwala sa ebolusyon at itinatakuwil ang Diyos bilang Maylikha, ipinagkikibit-balikat ang pagsasakripisyo sa angaw-angaw na mga di-pa isinisilang sa dambana ng kung ano ang kombinyente, at sa pangkalahatan ay mga pilosopiya ng tao ang sinusunod, itinatabi ang Bibliya sa paniniwalang ito’y katha-katha at alamat.

Kung papaanong ang mga taga-Jerusalem ay tumutuya kay Jeremias, gayundin ang Sangkakristiyanuhan ay tumutuya sa mga Saksi ni Jehova sa ngayon. Ang mga Saksi na nagbibigay-babala ng isang napipintong kapahamakan sa Armagedon ay kanilang inaakala na walang-kabuluhan. ‘Ang Diyos ay hindi interesado sa mundo,’ sabi ng Sangkakristiyanuhan. ‘Doon siya maghari sa langit; kami’y maghahari rito sa lupa. At sakali mang dumating ang Armagedon, hindi sa panahon ng ating lahing ito. Narinig na namin ang ganiyang istorya. Kami’y hindi padadala riyan!’

Ito ba ay magiging isang pag-uulit lamang ng kasaysayan? Saka pa lamang ba madidiskubre ng angaw-angaw na malapit na pala ito kaysa kanilang akala?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share