Isang Bagay na Lalong Mabuti Kaysa Telebisyon
Isang ina na taga-Indianapolis, Indiana, E.U.A., ang sumulat na para sa kaniyang kuwatro-anyos na anak na lalaki, siya’y pumidido ng pangalawang set ng mga cassette tape ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles). Ipinagtapat niya na: “Maraming ulit na habang kami, ang kaniyang ama at ako ay nanonood ng telebisyon sa sala, siya naman ay nasa kusina na nagpapatugtog at nakikinig sa mga kuwento sa Bibliya. Kami’y lubhang nagagambala kung kaya ang telebisyon ay isinasara.”
Sa pagtatapos ay sinabi niya: “Natitiyak namin na ang mga tape ng Kuwento sa Bibliya ay tumulong sa kaniya na maging isang higit na kalmado at lalong maligayang munting bata. . . . Maraming-marami pong salamat.”
Ang pakikinig sa mga cassette ng 116 na kuwento sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya ay isang kahanga-hangang paraan upang matuto ang mga bata ng nilalaman ng Bibliya. Ang isang bata ay higit pa ang natatandaan kaysa iyong inaakala kung siya’y interesado. Maraming pamilya ang nakasumpong na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kasama na ang inirekord sa mga cassette tape ng aklat, ang talagang kinakailangan upang mapasigla ang interes na iyon. Para malaman kung papaano matatanggap ang mga cassette tape at ang isang kopya ng aklat, punan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Itsek ang alinman o kapuwa sa sumusunod.
□ Pakisuyong padalhan po ako ng impormasyon kung papaano tatanggap ng kulay-tsokolateng vinyl album na may apat na cassette tape ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya (sa Ingles). (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)
□ Pakisuyong padalhan po ako ng impormasyon kung papaano tatanggap ng may mga larawang 256-pahinang Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.