Paghahanap ng Kapayapaan ng Isip
Ganiyan ang sabi ng isang babaing tagaroon sa Salt Lake City, Utah, E.U.A., na siya raw ay naghahanap na ng relihiyon sa loob ng maraming taon. “Walong buwan lamang ang nakalipas,” sabi niya sa kaniyang sulat, “ang akala ko’y hindi na ako magkakaroon ng kapayapaan ng isip. Nang magkagayo’y dumating sa amin ang mga Saksi noong Pebrero. Ako’y nag-aaral na nang may walong buwan, at natatalos ko na kayo lamang ang mga gumagawa upang ihanda ang mga tao para sa Kaharian ng Diyos.”
Isinusog pa ng babaing ito: “Isang araw ang kaibigan kong Saksi ay nagbigay sa akin ng isang aklat na ang pamagat ay Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? Ngayon lamang nasarapan ko ang pagbabasa ng isang aklat na gaya nito. Tiyak na isa ito sa pinakamagaling na lathalain ng Watch Tower Society.”
Kung ibig mong maalaman kung papaano makatatanggap ka ng isang kopya ng magandang publikasyong ito, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Nais ko pong malaman kung papaano makatatanggap ng 192-pahinang aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)
[Larawan sa pahina 32]
Ang mga hula ni Daniel tungkol sa pagkakasunud-sunod ng mga kapangyarihang pandaigdig ay natupad nang tamang-tama kung kaya inakala ng mga modernong kritiko na ang mga ito ay isinulat pagkatapos na matupad