Higit Pa Kaysa Nakapagtatakang mga Haligi Lamang
Ang mga turista ay nagtataka sa malalaking haligi sa Dagat Mediteraneo sa Ceasarea, isang sinaunang daungan sa baybayin ng Israel. Si Herodes na Dakila ang nagtayo ng daungang ito at nginanlan ang siyudad sa karangalan ni Cesar Augusto.
Malaking bahagi ng siyudad ang nahukay na ng mga arkeologo, kasali na ang malaking ampiteatro nito. Sila’y sumisid na rin sa ilalim ng dagat upang magkaroon ng unawa kung papaano naitayo ang daungang kompleks sa mabuhanging dalampasigan.
Iniulat ng The New York Times (Enero 8, 1991) ang pagkatuklas ng mga haligi sa mga labí ng isang palasyo na dati’y nakausli sa dagat. Ito’y mga natatangi sa bagay na nakasulat doon ang pangalan ng ilan sa mga gobernador Romano na dati’y hindi pa nakikilala. Ang “tagapangasiwa” ng mga barko ay binabanggit din, na “ang unang nasusulat na pahiwatig na nasumpungan kailanman may kaugnayan sa daungan.”
Ang mga estudyante ng Bibliya ay nakaaalam na si apostol Pablo ay dito sa daungang ito lumunsad sa katapusan ng dalawang paglalakbay. Dito siya tumahan kapisan ni Felipeng ebanghelisador, at ang kaniyang mga karanasan ay tiyak na nagpatibay sa mga alagad. (Gawa 18:21, 22; 21:7, 8, 16) Mababasa natin ang marami sa nakapupukaw na mga karanasang ito sa Bibliya sa aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol.
Samakatuwid ang mga haliging ito sa baybaying dagat ay hindi lamang walang-kawawaang mga makasaysayang labí. Ipinaaalaala nito sa pag-iisip ng mga Kristiyano ang kanilang sinaunang mga kapatid, na masigasig na nangaral ng mabuting balita sa mga daungan at hanggang sa “kadulu-duluhang bahagi ng lupa.”—Gawa 1:8.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Garo Nalbandian