Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 4/15 p. 32
  • Mga Taga-Gabaon—Sila’y Nakipagpayapaan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Taga-Gabaon—Sila’y Nakipagpayapaan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 4/15 p. 32

Mga Taga-Gabaon​—Sila’y Nakipagpayapaan

ANG lunsod na nasa taluktok ng burol sa itaas ay kinikilala bilang lugar na tinatayuan ng sinaunang Gabaon, mga sampung kilometro sa gawing hilaga ng Jerusalem.

Malamang na alam mong napatanyag ang Gabaon pagkatapos na manguna si Josue sa Israel nang sila’y patungo sa Lupang Pangako at kanilang sinakop ang Jerico. Nakilala ng mga Cananeo ng Gabaon na hindi nila madaraig ang Israel, na maliwanag na tinutulungan ng Diyos. Ano ang dapat gawin? Sa pamamagitan ng daya, ang mga taga-Gabaon ay nagsugo ng mga kinatawan na nag-anyong mga manlalakbay buhat sa isang malayong lupain. Ang ganitong pagsisikap tungkol sa kapayapaan ay nagtagumpay, sapagkat ang Israel ay gumawa ng pakikipagtipan sa kanila. Nang mabunyag ang kanilang panlilinlang, ang mga taga-Gabaon ay naging mga mangangahoy at mang-iigib ng tubig.

Tiyak na hindi naman nagalit ang Diyos sa mga taong ito na naghangad ng kapayapaan. Kaniyang inalalayan ang pagtatanggol ni Josue sa mga taga-Gabaon nang sila’y atakihin ng limang hari. Ginawa pa nga ni Jehova ang himala ng pagpapahaba ng maghapon para sa labanang iyon.​—Josue 9:3-27; 10:1-14.

Sa burol na ito ay nakasumpong ang mga tagapaghukay ng isang malalim na balon, o tangke na hinukay sa taganas na bato. Ang mga taga-Gabaon ay maaaring bumaba sa mga hagdan-hagdang naroon at sumalok ng tubig sa isang lugar sa ilalim ng lupa. Hindi nga kaya ito “ang tangke ng Gabaon” na binabanggit sa 2 Samuel 2:13? Ang mga arkeologo ay nakatuklas din ng mga imbakan ng alak na tinibag sa mga batuhan at ng napakaraming kagamitan sa paggawa ng alak. Oo, waring ang Gabaon ay isang sentro para sa paggawa ng alak.

Noong panahon ni David ang tolda, o tabernakulo, ng tunay na Diyos ay dito matatagpuan. Si Haring Solomon ay naparito upang maghandog ng mga hain. Si Jehova ay nagpakita kay Solomon sa isang panaginip at nangakong bibigyan siya ng “isang marunong at maunawaing puso,” at gayundin ng mga kayamanan. (1 Hari 3:4-14; 2 Cronica 1:3) Ang artikulo sa mga pahina 12-17 ng labas na ito ay nagpapakita na ang mga inapo ng mga taong tumahan doon sa Gabaon ay nagkaroon ng pantanging pribilehiyo sa gitna ng bansa ng Diyos sa isang huling panahon. Alam mo ba kung papaano?

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share