Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 5/15 p. 32
  • Pinabilis ng Sunog ang Isang Proyekto sa Pagtatayo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinabilis ng Sunog ang Isang Proyekto sa Pagtatayo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 5/15 p. 32

Pinabilis ng Sunog ang Isang Proyekto sa Pagtatayo

“SUNOG! Sunog! Ang Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses ay nasusunog!” Ang nakagugulantang na sigaw na iyan ay humugong isang hapon ng Biyernes noong Oktubre 1989 sa Heerenveen, isang bayan sa hilagang rehiyon ng Netherlands.

May 11 taon na ginamit ng mga Saksi ni Jehova ang magandang Assembly Hall na ito. Halos bawat dulo ng sanlinggo, daan-daan ang nagtitipon doon para sa dalawang-araw na pansirkitong asamblea o sa isang-araw na pantanging asamblea. Ito’y naging isang komportableng dako para sa pagtuturo ng Bibliya.

Nagkaroon ng isang aksidente samantalang gumagawa sa bubong ng bulwagan. Halos sa loob ng ilang minuto, ang bulwagan ay naging isang nag-uusok na kagibaan dahil sa sunog na ito. Salamat na lamang at walang nasaktan.

Ikinalulungkot ang nangyaring iyon ngunit hindi nasisiraan ng loob, ang mga Saksi ay gumawa ng mga plano para sa isang bagong bulwagan sa ibang lugar. Sila’y nakasumpong ng isang angkop na lugar sa Swifterbant, sa probinsiya ng Flevoland. Ito ay isang malawak na polder sa dating interyor na Zuider Zee, 5 metro ang baba sa dagat.

Noong Enero 1991 ay nagbigay ng hudyat upang pasimulan ang pagtatayo ng isang bagong Assembly Hall. Iyon ay itinayo sa pagitan ng Mayo at Setyembre 1991. Daan-daang mga Saksi ang nagboluntaryong magtrabaho sa lokasyong iyon, at may mga kabataang lalaki na naniniwalang ang proyekto ay isang tulay sa paglilingkod sa Diyos na Jehova nang buong panahon. Dose-dosenang manggagawa ang nanggaling sa Belgium at Inglatera.

Isang magandang idinisenyong gusali ang naitayo. Ang auditoryum at kapitirya ay pinagbukod ng isang koridor na may bubong na kristal. Ang malaking bulwagan ay may mga upuan para sa 1,008 katao at isa pang 230 ang maaaring makapanood ng programa sa mga screen ng telebisyon sa isang karatig na bulwagan.

Sa ngayon, libu-libo ang mga nagsasabi: ‘Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova, at kaniyang tuturuan tayo tungkol sa kaniyang mga daan.’ (Isaias 2:2, 3) Ang bagong Assembly Hall na ito ay isa lamang sa maraming lugar na kung saan ipinamamahagi ang gayong espirituwal na turo. Ang lokal na Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses ay isa pa. Doon ay masiglang sasalubungin kayo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share