Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 9/1 p. 32
  • Ang Pag-aani ng Isang Tunay na Ebanghelisador

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pag-aani ng Isang Tunay na Ebanghelisador
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 9/1 p. 32

Ang Pag-aani ng Isang Tunay na Ebanghelisador

ANG unang pagparoon sa Aprika ni William R. Brown ay noong 1923. Kasama ang kaniyang maybahay at anak, ‘ginawa [niya] ang gawain ng isang ebanghelisador’ sa Gambia, Ghana, Liberia, Nigeria, at Sierra Leone. (2 Timoteo 4:5) Ang ibinunga ng kaniyang gawain ay pambihira.

Ang katutubong ito ng West Indies ay hindi isang miyembro ng isa sa mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan at tunay na hindi sumangkot sa pulitika. Bagkus, kaniyang tinularan si Jesus at ang mga apostol sa pamamagitan ng paglalathala sa pangalan at soberanya ni Jehova, na idiniriin ang kahalagahan ng pantubos, at pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. (Mateo 9:35; 20:28; Juan 17:4-6) Si William R. Brown ay laging gumagamit ng Bibliya, tinutukoy iyon bilang ang ultimong autoridad kung tungkol sa doktrina at pananampalataya. (2 Timoteo 3:16) Siya’y totoong masigasig tungkol dito kung kaya nakilala siya bilang si Bible Brown.

Sa pagpapala ni Jehova, ang mga binhing inihasik ni Bible Brown ay tumubo at lumaki. Sa ngayon, sa mga lupain na kung saan nanguna siya, halos 200,000 Aprikano ang nag-alay ng kanilang buhay sa kanilang Maylikha at, pagkatapos, nangaral sa iba ng mabuting balita ng Kaharian. (Mateo 24:14; 1 Corinto 3:6-9) Ang aktibong mga Kristiyanong ito ay kilalang-kilala sa kanilang pagkamatapat at pagkamapagkakatiwalaan. Kanilang ipinagmamalaki na sila’y mga Saksi ni Jehova at mga sakop ni Kristo, ang nagpupunong Hari.

Ang ganiyang pag-aani ang resulta ng pag-eebanghelyo ng tunay na mga Kristiyano. Isang nakakatulad na pag-aani ang nagaganap sa buong daigdig sa bawat tinatahanang kontinente. Sa mahigit na 200 bansa, mahigit na apat na milyong maaamong lalaki at mga babae ang “naani” at inuulit nila sa iba ang mga salita ng anghel na ebanghelisador: “Matakot kayo sa Diyos at magbigay-​kaluwalhatian sa kaniya, sapagkat dumating na ang oras ng kaniyang paghuhukom.” (Apocalipsis 14:7) Totoo, ang tanging paraan upang makasumpong ng pag-asa sa ating maligalig na panahon ay ang bumaling sa Diyos at pailalim sa paghahari ng kaniyang Kaharian.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share