Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 10/1 p. 32
  • ‘Ang Kalangitan ay Nagpapahayag ng . . .’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Ang Kalangitan ay Nagpapahayag ng . . .’
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 10/1 p. 32

‘Ang Kalangitan ay Nagpapahayag ng . . .’

Humigit-kumulang 150 milyong kilometro mula sa kinaroroonan mo ngayon, ang araw ay sumisikat na taglay ang nag-aapoy na kaningningan sa kalangitan. Sinasamba bilang isang diyos ng libu-libong taon na ngayon, ang ating nagniningning na kapitbahay sa kalawakan ay, bagkus, isang patotoo sa kapangyarihan ng Maylikha nito, “ang Gumawa ng langit at ng lupa.” (Awit 115:15) Ang liwanag at init na taglay nito ay kailangan para sa buhay sa lupa. At ang mga katunayan na natutuhan ng mga siyentipiko tungkol dito ay pumupukaw ng ating mga panggigilalas.

Tayo’y sinabihan na ang araw ay gumagawa ng napakaraming enerhiya. Alam mo ba na kulang sa kalahating bilyon ng init at liwanag na ginagawa nito ang napipigil sa lupa? Gayunman, ang praksiyon na iyan ay umaabot sa pagkalaki-laking 240,000,000,000,000 horsepower!

Papaano ginagawa ng araw ang lahat ng enerhiyang iyan? Sa pamamagitan ng isang malawak na hurnong nuklear sa pinakagitna nito na gumagawa ng enerhiya sa pamamagitan ng pagkunsumo ng humigit-kumulang apat na milyong maiikling tonelada ng hidroheno bawat segundo. Nakatutuwa ito para sa sangkatauhan, anupat may sapat na gatong sa araw upang magpatuloy ang ganitong proseso sa loob ng bilyun-bilyong taon.

May mga bagay na natuklasan ang mga siyentipiko na nagbabangon ng iba pang mga katanungan. Halimbawa, ang araw ay nagpapatuloy na nangangatal, tulad ng isang pilyego ng metal na pinukpok ng isang martilyo. Bakit? Gayundin, pag-isipan ito: Ang naglalagablab na pinakagitna ng araw ang pinakamainit na parte nito at mientras malayo ang suson nito buhat sa pinakagitna, lalong malamig iyon. Subalit pagsapit na natin sa panlabas na suson ng atmospera ng araw, ang corona, iyan ay nagbabago. Ang corona ay mas mainit kaysa mga suson na mas malapit sa nag-aapoy na gitna nito. Bakit?

Gayundin, samantalang​—tulad ng mundo​—​ang araw ay umiikot, ang iba’t ibang parte ay umiikot na may iba’t ibang bilis. Halimbawa, ang ibabaw ay umiikot nang mas mabilis kaysa mga suson sa loob. Bakit? At papaano iyan nangyayari? Pagkatapos ay nariyan ang mga sunspot. Ang mga mantsang ito sa ibabaw ng araw ay lumalabas at nawawala sa isang regular na siklo sa isang yugto ng 11 taon. Bakit ang mga ito ay nagbabago nang regular?

Bagaman marami pa ang kailangang matutuhan tungkol sa araw, ang ating alam na ay magtutulak sa atin na malasin na may panggigilalas ang Maylikha nito, si Jehova. Tuwing matatanaw natin ang araw, naaalaala natin na “ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos; at ipinakikita ng kalawakan ang gawa ng kaniyang mga kamay.”​—Awit 19:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share