Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 5/15 p. 30
  • Iwasan ang Espiritu ng Pagmamataas!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iwasan ang Espiritu ng Pagmamataas!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 5/15 p. 30

Iwasan ang Espiritu ng Pagmamataas!

Isang pantas na kawikaan sa Bibliya ang nagsasabi: “Sinumang nagpapataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan.” (Kawikaan 17:19) Ano ba ang masama sa isang mataas na pintuan? At ano ang pinaka-punto ng kawikaang ito?

NOONG sinaunang mga panahon ang mga tao at pangkat ng mga mandarambong ay karaniwan nang nangakasakay sa mga kabayo. Ang mga tahanang walang proteksiyon sa malawak na parang ay madaling napapasok ng mga magnanakaw. Upang huwag manakaw ang kanilang mga ari-arian, ang ilang may-ari ay nagtatayo ng pader na may pambihirang pintuan. Ang pader ay mataas, subalit ang pintuan ay mababa. Sa katunayan, ang ilan ay may taas na isang metro lamang​—napakababa upang pasukin ng isang kabayo at ng nakasakay roon. Para sa mga taong ang mga pintuan sa kanilang mga looban ay hindi mabababa, sila’y nanganganib pasukin ng mga magnanakaw na nangakasakay sa kabayo.

Sa mga siyudad ang mga pasukang pintuan ng mga looban ay karaniwan nang mabababa at hindi kaakit-akit, anupat hindi nagpapahiwatig na mayayaman ang nakatira roon sa loobang napaliligiran ng pader. Subalit, sa Persia ang mataas na pintuan ay isa sa mga tanda ng pagkamaharlika, na ginagaya naman ng ilang mamamayan at sila’y nalalagay sa malaking panganib. Sinumang gumagawa ng mataas na pintuan para sa kaniyang bahay ay nagbubukas niyaon sa mga magnanakaw dahilan sa ipinakikita niyang siya’y nakaririwasa.

Samakatuwid ang Kawikaan 17:19 ay nagpapakita na ang nagpapataas ng kanilang pintuan ay humahanap ng kapahamakan dahilan sa tinatasahan nila ang kanilang sarili ng higit sa kanilang tunay na halaga. Ang kawikaang ito ay nagpapahiwatig din tungkol sa bibig na mistulang isang pintuan na napapataas dahil sa kahambugan at aroganteng pagsasalita. Ang gayong pagsasalita ay pinagmumulan ng pag-aalitan at sa wakas ay maaaring maghatid sa kapahamakan sa mapagmataas na taong iyon. Kung gayon, anong laking kapantasan na iwasan ang espiritu ng pagmamataas!

[Picture Credit Line sa pahina 30]

Picturesque Palestine, Sinai and Egypt,Tomo 1, ni Koronel Wilson (1881)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share