Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 8/15 p. 3-4
  • Ang Humihinang Buklod ng Pag-aasawa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Humihinang Buklod ng Pag-aasawa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Diborsyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Diborsiyo—Ang Mapait na Bunga Nito
    Gumising!—1992
  • Pag-aasawa—Kung Bakit Marami ang Tumatalikod
    Gumising!—1993
  • Diborsiyo—Ano ba Talaga ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 8/15 p. 3-4

Ang Humihinang Buklod ng Pag-aasawa

ISANG may kabataang ina ang yumayakap-yakap sa kaniyang dalawang-buwang sanggol. Walang anu-ano, dala ng silakbo ng damdamin, ito’y biglang naibagsak niya sa sahig. Ang sanggol na lalaki ay namatay makalipas lamang ang ilang oras. “Sadyang binitiwan ko siya,” ang sabi ng ina, “sapagkat ang aking asawa ay pabaya sa kaniyang pamilya.” Sa halip na ang suliranin ay ipakipag-usap sa kaniyang asawa, ang pinagbuhusan niya ng kaniyang galit ay ang walang-malay na sanggol.

Kakaunting ina ang hahantong sa ganiyang sukdulan, subalit marami ang may damdaming katulad ng sa kaniya. Patuloy na nagiging mahirap para sa mga mag-asawa na papagtagumpayin ang kanilang pag-aasawa. “Pagka ang pagkakataon na magtagumpay sa pag-aasawa ay kasimbaba ng sa Estados Unidos sa ngayon,” ang sabi ng Journal of Marriage and the Family, “ang paggawa ng isang matibay, lubus-lubusang pagkilala ng pananagutan sa pag-aasawa . . . ay totoong mapanganib na anupat walang taong may ganap na katinuan ang gagawa niyaon.”

Sa mga panahong ito ng kaguluhan, ang imoralidad, pagiging di-magkabagay, mga utang, hindi kasundong mga biyenan, at kaimbutan ay pawang nagsisilbing gatong sa alitan sa sambahayan, na kadalasan humahantong sa paghihiwalay. Napakalubha ang situwasyon sa Hapón kung kaya kahit na ang Iglesya Katolika, na tanyag sa kaniyang matatag na paninindigan laban sa diborsiyo, ay kinailangang magtatag ng isang pantanging komite upang mapadali ang mga bagay-bagay para sa diborsiyado at muling nag-asawang mga miyembro. Patuloy na dumarami ang mga nagsisimba na apektado ng mga suliranin na may kaugnayan sa diborsiyo.

Gayunman, ang bilang ng mga diborsiyo ay nagsisiwalat ng isang munting bahagi lamang ng isang lalong malaking suliranin. Ipinakikita ng pagsasaliksik sa Estados Unidos na ang humihinang kaurian ng buhay may-asawa ang sanhi ng pagdami ng diborsiyo, imbes na ang mga kausuhan lamang sa lipunan na nagpapadali na makakuha ng diborsiyo. Dahil sa walang gaanong pagsisikap at walang gaanong pananagutan, ang buhay may asawa ay nawawalan ng pang-akit bilang isang mainam na bagay. Marami ang nagpapakitang-tao lamang bilang mag-asawa, subalit hindi sila nagtatabi sa higaan, at sila’y halos hindi nag-uusap. Ang iba’y nakadarama ng kagaya ng babaing taga-Silangan na bumili ng sariling nakabukod na paglilibingan sa kaniya, kasabay ng pagsasabing, ‘Ayokong makasama pa sa hukay ang aking asawa.’ Ngayong hindi niya madiborsiyo ang kaniyang asawa, ang gusto niya’y magdiborsiyo sila pagkamatay niya. Nakalulungkot, bagaman ang gayong mga tao ay hindi diborsiyado, ang buhay may asawa ay hindi nagbibigay sa kanila ng kaligayahan.

Ganiyan ang nangyari kay Isao. Bunga lamang ng kapritso kung kaya pinakasalan niya ang kaniyang maybahay, kaya wala siyang hangaring baguhin ang kaniyang makasariling paraan ng pamumuhay. Bagaman siya’y kumikita nang malaki bilang isang tsuper na nagbibiyahe nang malayo, lahat ng kaniyang kita ay ginasta niya sa pagkain at pag-inom, hindi inaasikaso ang kaniyang pamilya. Kaya naman, walang katapusan ang pag-aaway nilang mag-asawa. “Kailanma’t lumabas na hindi mabuti para sa akin ang mga bagay-bagay,” nagugunita pa ni Isao, “Uuwi ako at ibubuhos ang aking galit sa aking pamilya.” Mistulang isang bulkan na ayaw tumahimik, ang paksa ng diborsiyo ay bumabangon araw-araw.

Maraming lalaki at babae ang nagtitiis sa isang hindi maligayang pag-aasawa. Magdiborsiyo man sila o hindi, wala silang kaligayahan. Mayroon bang paraan upang ang pag-aasawa nila ay magtagumpay? Ano ang maaaring gawin upang patibayin ang buklod ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share