Labis Bang Pinahahalagahan ang Pagsasalin ng Dugo?
Ang mga pagsasalin ng dugo ay karaniwan na sa modernong medisina, ngunit ang mga ito ba ay kasimbuti ng pagkakilala sa kanila ng iba? Ano ba sa palagay ninyo?
Sa The American Journal of Medicine (Pebrero 1993), si Dr. Craig S. Kitchens ay nagtanong: “Labis Bang Pinahahalagahan ang mga Pagsasalin?” Kaniyang napansin na kalimitan nang pinag-iisipang maingat ng mga doktor kung ang kapakinabangan sa isang paraan ng paggamot ay higit kaysa panganib na maidudulot. Ano ang masasabi tungkol sa mga pagsasalin?
Nirepaso kamakailan ni Kitchens ang mga ebidensiya ng maraming panganib na kaugnay ng mga pagsasalin, tulad halimbawa ng hepatitis, napinsalang sistema ng imyunidad, paghina ng sistema ng organo, at graft-versus-host na mga reaksiyon (kalagayan ng katawan na resulta ng pag-atake ng mga selula ng sangkap na inilipat laban sa selula ng katawang pinaglipatan). Isang pag-aaral na sumaryo ng “napakaraming komplikasyon” buhat sa pagsasalin ng dugo “ay nanghinuha na bawat pagsasalin ay nagkaroon ng isang kabuuang 20% tsansa para sa ilang negatibong reaksiyon, na ang ilan ay bahagya lamang ngunit ang iba’y nakapipinsala,” nakamamatay pa nga.
Gayunman, ang ipinagpapalagay bang mga kapakinabangan ay katumbas ng pagharap sa gayong mga panganib?
Nirepaso ni Dr. Kitchens ang 16 na iniulat na mga pag-aaral na kinasangkutan ng 1,404 na mga operasyon sa mga Saksi ni Jehova, na tumatanggi sa mga pagsasalin bilang pagsunod sa utos ng Bibliya na ‘umiwas sa dugo.’—Gawa 15:28, 29.
Ang resulta? “Ang desisyon ng mga pasyenteng Saksi ni Jehova na huwag pasalin sa pangunahing mga operasyon ay waring nagdaragdag ng 0.5% sa 1.5% na mga namamatay sa pangkalahatang panganib sa operasyon. Ang hindi gaanong malinaw ay kung gaanong sakit at kamatayan ang naiiwasan sa pamamagitan ng kaugaliang hindi pagpapasalin, subalit ang mga ito ay marahil nakahigit sa peligro ng hindi pagpapasalin.” (Amin ang italiko.) Ang punto niya? Anumang medikal na panganib sa pagtangging pasalin ng dugo ay marahil mas menos kaysa mga panganib kung nagpapasalin.
Sa gayon, ang makatuwirang tanong ni Kitchen: “Kung ang hindi pagpapasalin ng mga Saksi ni Jehova ay aktuwal na nagbubunga ng bahagyang matinding ekstrang pagkakasakit at kamatayan at naiiwasan ang malaking gastos at talamak na mga kumplikasyon, dapat bang tumanggap ng mas kakaunting pagsasalin ang mga pasyente?
Yaong mga tumatangging pasalin batay sa gayong ebidensiya ay kumikilos din na kasuwato ng mga tagubilin buhat sa ating Maylikha.