Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 2/1 p. 32
  • “Higit Pa sa Isang Matibay na Bayan”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Higit Pa sa Isang Matibay na Bayan”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 2/1 p. 32

“Higit Pa sa Isang Matibay na Bayan”

“SA KASALUKUYANG antas, mga 40% ng mga bata sa E.U. ang makasasaksi ng pagwawakas ng pagsasama ng kani-kanilang mga magulang bago sila sumapit sa edad na 18.” (Science, Hunyo 7, 1991) Anong nakapangingilabot na estadistika! Bakit nangyayari ito?

Si Judge Edward M. Ginsburg ng hukumang pampamilya at probate court, nang kapanayamin ng The Boston Globe, ay nagbigay ng kaniyang pananaw. Sinabi niya: “Tayo’y isang mapag-imbot na lipunan. Ang ibig natin ay ‘ako.’ Ang tanong natin, ‘Ano ang mapapala ko riyan ngayon?’ Nais natin na tayo’y gantihin sa isang iglap.”

Ang ganiyang di-maygulang na kaimbutan ay patungo sa pagkasiphayo at alitan sa pag-aasawa. Sinasabi ni Judge Ginsburg na pagka ang mag-asawa ay sa wakas nakarating sa hukuman sa diborsiyo, ang mag-asawa ay naghahangad ng pagbabangong-puri. Ibig nilang may magsabi sa kanila na sila ang tama at mali ang kanilang asawa. Ibig nilang may magsabi sa kanila: “Nanalo ka sa labanan.”

Ang kaniyang mga salita ay nagpapagunita sa atin ng kinasihang kawikaan: “Ang kapatid na pinagkasalahan ay higit pa sa isang matibay na bayan.” (Kawikaan 18:19) Oo, pagka sumiklab ang alitan sa isang mag-asawa, ang naglalabanang mga panig ay maaaring maging di-makatuwiran at matigas. Kadalasan, buong tigas na tumatangging magparaya nang kaunti, tulad ng “isang matibay na bayan” na kinukubkob.

Kailangan bang maging ganito ang mga bagay-bagay? Hindi, may isang bagay na magagawa. Ang mga pag-aasawa ay matitibay at nananatili pagka ang kapuwa panig, sa pasimula pa lamang ng pagsasama ng mag-asawa, ay nakinig sa mga salita ni apostol Pablo: “Maging mabait kayo sa isa’t isa, madamayin sa magiliw na paraan, malayang nagpapatawaran sa isa’t isa kung paanong ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay malayang nagpatawad din sa inyo.” (Efeso 4:32) Madali bang linangin ang gayong mga katangian? Sa tuwina’y hindi. Subalit gaano kadali ang magdiborsiyo? Gaano kalubhang suliranin ang naidudulot ng isang diborsiyo sa damdamin at bulsa ng mga kasangkot? At kumusta ang mga anak, na kadalasan ang siyang nagdurusa dahilan sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang hanggang sa sila’y maging adulto na?

Mas mabuti sa mag-asawa na sikaping mapanatili ang pagsasama at huwag magmatigas laban sa isa’t isa, tulad ng “isang matibay na bayan.” Ang payo ni Pablo sa mga Kristiyano ay kumakapit lalung-lalo na sa mga mag-asawa: “Damtan ninyo ang inyong mga sarili ng pag-ibig, sapagkat ito ay isang sakdal na bigkis ng pagkakaisa.”​—Colosas 3:14.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

The Complete Encyclopedia of Illustration/J. G. Heck

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share