“Tayo’y Magbasa Pa ng Higit Bago Tayo Manlibak”
GANIYAN ang sinabi ng isang taong taga-New Zealand tungkol sa Ang Bantayan, ang magasin na binabasa mo. Hinggil sa isang artikulo tungkol sa makalangit na karo ng Diyos na inilalarawan sa Ezekiel kabanata 1, ang taong iyon ay sumulat:
“Bawat isa sa apat na nilalang na buháy na ito, o mga kerubin, ay may apat na pakpak at apat na mukha. Taglay nila ang mukha ng isang leon, nagpapakilala sa katarungan ni Jehova; mukha ng isang toro, na kumakatawan sa kapangyarihan ng Diyos; mukha ng isang agila, na nagpapahiwatig ng kaniyang karunungan; at mukha ng isang tao, na tumutukoy sa pag-ibig ni Jehova.
“Pagkatapos na basahin ito nang paulit-ulit, tumubo sa aking puso ang isang mainit na damdamin. Ako’y napaluha, mga luha ng kagalakan. Agad kong naisip, ‘Anong ganda at kalugud-lugod ka, Jehova!’ Ako’y lubhang nalilito sa aking sarili dahil sa bagong damdaming ito may kaugnayan sa Diyos na Jehova na aking nilibak nang maraming taon, sa aking pagiging isang taong makasanlibutan. Aking sasabihing ‘salamat sa inyo’ na mga Saksi ni Jehova, at sa maraming katulad ko, ay sinasabi ko, ‘Tayo’y magbasa pa ng higit bago tayo manlibak.’”