Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 5/15 p. 32
  • “Iniligtas Ako ng mga Saksi ni Jehova!”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Iniligtas Ako ng mga Saksi ni Jehova!”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 5/15 p. 32

“Iniligtas Ako ng mga Saksi ni Jehova!”

SA MGA huling araw na ito, marami ang napatunayang sila’y “mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan.” (2 Timoteo 3:1, 3) Ito’y napatunayan ni Isaac, isang boluntaryong ministro sa tanggapang pansangay ng Samahang Watch Tower sa Kanlurang Aprika. Ganito ang kaniyang paglalahad:

“Noong Enero 1992, ako’y naglalakbay sa kahabaan ng isang liblib na daan sakay ng isang taksi kasama ng limang iba pang pasahero. Sinimulan kong kausapin ang babaing nakaupo sa tabi ko, at malugod niyang tinanggap mula sa akin ang isang brosyur na salig sa Bibliya.

“Biglang-bigla, nang bandang ikaapat ng hapon, isang bagong kotse na walang mga plaka ang humarang sa amin, at ang aming sasakyan ay biglang nagpreno anupat lumikha ng matinding ingay. Tatlong matitipunong lalaki, na bawat isa ay may riple, ang lumabas sa kabilang kotse at biglang binuksan ang aming pinto. ‘Magsilabas kayo, lahat kayo,’ ang sigaw ng isa sa kanila.

“Isa pang lalaki ang sumunggab sa aking bag ng mga aklat. Nang makita niyang pulos mga literatura sa Bibliya ang laman niyaon, inihagis niya ang bag. ‘Ano pa ang mayroon ka?’ ang tanong niya, habang nakatutok sa akin ang kaniyang baril. Dali-daling ibinigay ko sa kaniya ang pera na nasa aking pitaka. ‘Ito ba lamang?’ ang tanong niya. Sinabi ko sa kaniya na ako’y isa sa mga Saksi ni Jehova at ang mga Saksi ay hindi nagsisinungaling. Hinablot niya ang aking pitaka, nakita niya ang aking Watch Tower identification card at saka sinabi, ‘Ok, Watchtower. Maghintay ka rito.’

“Pagkatapos, siya’y bumaling sa babaing kinausap ko sa taksi. Agad niyang hinubad ang kaniyang kuwintas at ibinigay ang perang nasa kaniyang pitaka. Nang mapansin ng manghaharang ang brosyur sa kaniyang nanginginig na kamay, ipinagpalagay niya na kami’y magkasama, kaya sinenyasan niya ang babae na sumama sa akin.

“Samantala, ang ibang armadong mga tulisan ay buong bagsik na umatake sa aming kasamang mga naglalakbay. Kanilang ginulpi at ninakawan ang tsuper gayundin ang isa pang lalaking kasama namin. Sinunggaban ng isang magnanakaw ang kuwintas ng ikalawang babae. Nang siya’y manlaban, pinukpok nila siya sa ulo at sa dibdib ng puluhan ng mga riple hanggang sa siya’y mamatay. Ang ikatlong babae ay kinaladkad palabas sa sasakyan at binaril sa dibdib. Nakalulungkot sabihin, siya ay namatay rin. Ako lamang at ang babaing kasama ko ang iniwan nang hindi nasaktan bahagya man.

“Nang kami’y isinakay ng isang dumaraang motorista nang bandang huli, paulit-ulit na sinabi ng nangingilabot na babae, ‘Iniligtas ako ng mga Saksi ni Jehova!’”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share